Chapter 15 It's The Only Way

10.2K 631 291
                                    

"When you love, you get hurt. When you get hurt, you hate. When you hate, you try to forget. When you try to forget, you start missing. And when you start missing... you'll eventually fall in love again."



Kreme POV


"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"

Pang-ilang tanong na ba ito ni Princess sa akin? Una, noong nasabi ko sa kanya ang tungkol sa pag-uwi ko sa Manila, then noong pagkatapos naming mag-usap ni Ramjen tungkol dito, tsaka ngayon.

"Yes." Sagot ko habang nasa pag-iimpake ng mga dadalhing gamit ang atensyon ko.

"Kreme..." Naupo siya sa gilid ng aking kama. "Hindi ba parang unfair iyon kay Ramjen?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagkakarga ng damit sa maleta. Unlike before, maayos na akong mag-impake ngayon. May nakapagsabi kasi sa akin noon na mas maganda kapag maayos ang pagkakalagay ng mga gamit sa maleta para kapag maghahanap, madali lang itong makita.

"Alam mong gusto ka no'ng tao." Patuloy niya.

Napatayo ako ng diretso at nagbaling ng atensyon sa kanya. "Come on, Princess." Saad ko. "Alam kong alam mo rin na hindi naman niya talaga ako gusto. Hindi siya seryoso."

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong niya. "Sinabi ba niya sayo mismo na hindi siya seryoso sayo?"

Hindi ako nakasagot.

"See?" Sabay mosyon ng dalawa niyang kamay. "Kaya huwag tayong nag-aassume sa feelings para sa atin ng ibang tao."

"Whatever." I rolled eyes. "Isa pa, pumayag naman siya."

Nagpatuloy na lang ako sa pag-iimpake ng mga gamit. Maaga kaming aalis bukas kaya dapat ngayon pa lang ay nakahanda na ang lahat ng kakailanganin ko.

"Kreme." Tumayo siya mula sa kinauupuan at mabagal na naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. "Kailangan mo ba talagang gawin 'to?"

Muli akong natigilan pagkatapos ay pabagsak na ibinaba sa ibabaw ng nakabukas na maleta ang hawak kong mga damit at pabagsak ding naupo sa gilid ng kama sabay napatakip ang mga palad sa aking mukha.

"I have to do this." Sabay napapailing-iling na sabi ko. "I need to do this." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa wrists ko at ang pagluhod niya sa aking harapan. "Kreme..." Puno ng simpatyang bigkas niya.

Tinanggal ko ang mga palad sa pagkakatakip sa aking mukha at napasuklay sa aking buhok. "I need some kind of support system, Princess." Hilam ang mukha sa luhang sabi ko. "Hindi ko alam kung makakaya kong makita si Gabrielle at si Finn na magkasama. Ramjen would be my defense mechanism."

Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang kamay. "Di ba nga ang sabi mo naka-moved on ka na?"

Napailing-iling ako. "I thought so too." Napakagat ako sa aking labi. "Pero hindi pala enough ang dalawang taon para makalimutan ang sakit... ang taong una mong inibig."

Malungkot siyang napangiti habang nakatitig sa aking mga mata. "Kung pwede lang na ako ang sasama para sayo e."

"No, best friend ka ni Gabrielle." Sabi ko.

"Kaya nga e." Matamlay niyang tugon. "Sana lang ay tama itong ginagawa mo."

Muli akong napakagat sa aking lower lip. "Kailangan ko ding harapin ang pamilya ko. Alam mo 'yon? 'Yong pakiramdam mo na wala kang kakampi? Na para bang kalaban mo maging ang tadhana?" Umaagos pa rin ang luhang hinaing ko.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now