Chapter 18 From A Distance

10.8K 658 277
                                    

"She moved on, and I feel sorry for you. Because she thought you were the most amazing person ever. If she could have had any girl in the world, she still would have picked you. Now, you're just another part of her past, a memory more faded every day. And someday, she'll find the one she deserves, and she will make her the happiest girl in the world."


Kreme POV


Antok na antok pa rin akong nagmulat ng aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, mag-uumaga na rin yata ng sa wakas ay dalawin ako ng antok. Mukhang namamahay ako, to think na dito ako nakatira at lumaki noon.

Napatingin ako sa orasan sa lamesitang katabi ng kama. Arrgh, it's six forty-three in the morning. Nasanay na akong gumigising ng maaga sa probinsya.

Pabagsak na muli akong bumalik sa pagkakahiga at napapikit. Iniisip ko pa lang na paglabas ko ng kuwarto ay makikita ko na naman si Gabrielle ay para na akong napapagod. I'm not tired seeing her, I'm tired pretending in front of her.

Haist, ang hirap pa lang magpanggap na hindi ka na apektado at wala ka ng nararamdaman para sa isang tao kung araw-araw mo itong makikita at makakasama. Hindi siguro nakakapagod magmahal, mas nakakapagod ang magpanggap na hindi mo na siya mahal.

Yes, I still feel something for her. And that something will surely ruin my life... or even hers. Kung hindi ito maagapan agad.

Somehow, nagpapasalamat akong isinama ko si Ramjen sa pag-uwi ko dito. Mali man pero kailangan. Anyways, hindi ko naman siya pinilit... It's just that -

"Hmm..."

Awtomatiko akong napamulat at nanigas sa kinahihigaan ng marinig ko ang mahinang pag-ungol na iyon. Mas lalo ng nanlaki ang mga mata ko ng biglang lumundo ang kamang kinahihigaan ko. Napapalunok at dahan-dahan akong nagbaling ng tingin sa bandang kanang bahagi ng kama. Gano'n na lang ang gulat ko ng makita si Ramjen na nakahiga sa kabilang bahagi ng kama at nakatingin din ito sa akin!

"Ahh!" Sigaw ko sabay mabilis na napabangon sa kama.

Parang ikinagulat niya ang pagsigaw ko kaya pati din siya ay napabangon na sa kama. "Ahh!" Sigaw din niya.

Dinampot ko ang unang yakap-yakap ko kanina at pinaghahampas ito. "What are you doing here? Why are you sleeping in my bed? Who sent you here?" Sunod-sunod na tanong ko habang nanggigigil na pinaghahampas ko siya ng unan.

"Kreme, ano ba?" Panay ang pagsangga niya sa atake ko. "Saglit lang, ano ba?!"

"Argh! I hate you! I hate you! I hate you!" Malakas na sabi ko sabay hampas sa kanya. "What did you do to me?!"

"Wala akong ginawa sayo?" Depensa niya. "Ano ba?!" Mabilis niyang naagaw sa akin ang unan.

Habol ang hiningang hinawi ko ang buhok ko at masungit na nakatitig sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito?!" I demanded.

"Dito ako pinatulog ng mama mo kagabi." Sagot niya.

"Who gave you the right - wait, what?" Hindi ko kasi agad nakuha ang sagot niya. "Si mama?"

Napahawi siya sa kanyang maigsing buhok. "Oo, gabi na masyado ng -"

"Si mama?!" Hindi makapaniwalang muling bigkas ko. Hindi ko na rin pinansin ang sinasabi niya.

"Oo nga!" Napapakamot sa kilay na tugon niya. "Bingi ka ba? Paulit-ulit?" Parang nakikipag-usap sa batang sabi niya.

"Pero ang dami-daming guest rooms dito, bakit ka niya dito pinatulog?" Naguguluhang tanong ko.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon