Chapter 33 Point of No Return

10.7K 680 90
                                    

"I don't care how hard being together is, nothing is worse than being apart."


Kreme POV


"Ate."

Saktong papasok na sana ako sa kuwarto kung saan pansamantalang dinala si lola Danielle kasama na ang iba pang pamilya at ang family Doctor na tinawag nila ay siya namang paglabas ni Harper sa pinto.

"How's lola Dani?" Nag-aalala at kinakabahang tanong ko.

Halos namumula na nga ang mga kamay ko dahil sa pagkataranta. At the same time, may takot din akong nararamdaman para kay lola Dani. Ayoko namang umabot sa puntong kailangang may mag-suffer o mawala sa pamilyang ito dahil sa paninindigan kong ilaban kung ano ang sa tingin ko ay tama at nararapat.

"Ano'ng sabi ng doktor?" Muling tanong ko pa.

Malungkot siyang napabuntong-hininga. Sumilip ako sa siwang ng pinto para makita kung ano na ang nangyayari sa loob pero agad na isinara iyon ni Harper mula sa kanyang likod.

"Mas makakabuti sigurong huwag ka munang pumasok sa loob, ate." Saad niya.

"What? Why?" Naguguluhang tanong ko.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa tanong ko. "Kailangan mo ba talagang itanong pa 'yan pagkatapos ng mga nangyari kanina  sa library?" Maang niyang tanong. "Ate, sinasagot-sagot mo lang naman ang mga nakakatandang Montalban!" Mahina ngunit puno ng diing dugtong niya.

Napatitig ako sa kanya. "I didn't mean to disrespect them." Depensa ko. "I just did what I know is right." Paninindigan ko. "And if I have to do it all over again, I will."

Seryoso siyang matamang nakatitig sa mukha ko. "Kahit na ang kalabanin ang sarili mong pamilya, kagaya ng sinabi mo kanina?"

Hindi ako agad nakasagot. "Oo, Harper." Buo ang loob na sagot ko. "If I have to." Parang nanlumo siya sa narinig. "I'm sorry, masyado na rin akong nasaktan. Hindi naging madali ang buhay ko sa mga nangyari sa akin... sa amin ni Gabrielle. Sana naman naiintindihan mo ako."

Puno ng simpatyang napatango siya ng bahagya saka ako tinapik sa balikat. "I understand." Tugon niya. "Ang tanong, maiintindihan ka ba nila?" Ngunit hindi na yata niya kailangan pang antayin ang sagot ko. "Pero base sa pag-uusap kanina, or should I say, pagtatalo? Parang mahihirapan si ate Gab na makawala sa pamilyang 'to."

"Speaking of Gabrielle," Naalala kong itanong. "Have you seen her? Parang kanina pa siya M. I. A."

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Tayo nga lang ang talagang nandito e." Sagot niya. "Pero sa tingin ko, mas mabuting wala si ate Gabrielle ngayon dito para hindi niya naririnig ang mga sinasabi nila."

"You're right." May halong lungkot na napatango-tango ako. "Masasaktan lang siya, for sure."

Magsasalita pa sana si Harper ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Asher na kababakasan ng pag-aalala sa mukha.

"Asher..." Sambit ko ng matigilan ito ng makita ako. "How's your lola?" Puno ng simpatyang tanong ko.

Ngunit imbes na sagutin ako, hinawakan niya ako sa braso at hinila palayo sa pintuan. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakapag-react. At bago pa man ako nakapag-react ay naitulak na niya ako papasok sa binuksan niyang pinto ng library.

"Asher -"

"What the hell was that?" Maang niyang tanong sa akin ng maisara niya ang pinto.

Pero bago pa man ako nakasagot ay isa-isa ng pumasok sa loob ng silid sina JC, Irish, Brooklyn, Ryle, Cryler at si Harper na siya na ring nagsara ng pinto ng makapasok ito.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum