Chapter 14 Are You Ready?

10.5K 595 306
                                    

"When love stares you in the face, make sure you aren't blinded by fear or pain from the past. get the healing you need so that you will be able to embrace what you deserve."


Kreme POV


Kunot-noong nakamasid ako sa apat na nilalang na nakaupo ngayon sa harapan ng six-seater na lamesa dito sa resto na pinuntahan namin. Napangiwi ako ng marinig ang tunog ng ginawang paghigop ni Brooklyn sa sabaw ng nilagang baka na in-order namin kanina. Napalunok ako habang tinitignan silang kumakain. Nasaan na ang poise ng mga ito?

"Hindi naman halatang gutom na gutom kayo 'no?" Nakahalukipkip na tanong ko sa kanila.

"Ahhh." Sabay napadighay ng malakas na sambit ni Lauren. Napangiwi tuloy ako dito. "Ano'ng pangalan ulit nitong resto?" Tsaka nagpalinga-linga sa paligid.

I rolled eyes. Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Siguro naman masasagot niyo na ang tanong ko ngayong tapos na kayong lumamon?"

"Ouch." Kunwari pang nainsultong sambit ni Brooklyn. "Lumamon talaga?"

"E ano pa ba ang ginawa ninyo?" Tugon ko sabay napatingin sa empty plates and cups sa ibabaw ng lamesa. "Apat lang kayo pero 'yong kinain ninyo good for ten pax?"

"Sa hindi kami nakakain ng dinner at agahan. Masisisi mo ba kami kung gutom na gutom kami?" Sabi ni Brook.

"No." Singit ni Asher na noon na lang ulit nagsalita. "Si Lauren ang sisihin natin."

"Bakit ako?" Agad na tanong ni Lauren sa kanila. Nakatingin lang naman ako sa kanilang apat.

"Ayaw mong mag-stop over." Si Harper ang sumagot. "Excited ka masyadong makita si ate."

"What?!" Kontra ni Lauren.

I rolled eyes once again. "Don't worry, Lauren. Matagal ko ng alam na crush mo 'ko."

"Damn." Mahinang sambit nito sabay kumuha ng toothpick na nasa gitna ng mesa.

Madaling araw yata silang bumiyahe patungo dito kaya hindi sila maagang nakarating sa bahay.

"Mukhang tapos na kayong kumain. Umalis na tayo." Saad ko sabay napasenyas sa waitress na ibigay na sa amin ang bill.

Tumalima naman ito agad at ilang sandali pa ay lumapit sa amin para ibigay ang bill. Nasulyapan ko pa itong inilalabas ang cellphone para kuhanan kami.

"Say cheese!" Sabay nag-peace sign na sinakyan naman ito ni Brook. Nag-pose pa talaga!

Napapailing-iling na lang ako. Yes of course, I've missed them. Sobra. Ngayon ko lang iyon na-realize ng makasama ko silang muli.

"O." Inilapag ni Lauren sa ibabaw ng lamesa ang bill. "Bayaran niyo na."

"Ikaw na." Sagot ni Brook sa kanya.

"Ba't ako na naman?" Lukot ang mukhang reklamo niya. "Ako na nga ang driver, ako pa ang magbabayad ng kinain nin-"

"Natin." Dugtong ni Harper.

"Tama na nga 'yan." Saway ni Asher habang naglalabas ng wallet mula sa bulsa. "Magkano ba?"

"Five hundred sixty five pesos lang po." Nakangiting tugon ng waitress. Mga nasa early twenties siguro ito.

"Aww." Daing ni Asher. "Wala pala akong pera." Nakangiwing napatingin ito sa amin pagkatapos makita ang laman ng kanyang wallet.

"Ako din." Segunda naman ng kapatid ko. "Tumatanggap ba kayo ng credit card?"

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon