Chapter 8 Photograph

10.2K 554 155
                                    

"I have found the paradox, that if you love until it hurts, there can be no more hurt, only more love."


Kreme POV


"Sino ba ang unang nakipaghiwalay sa atin, in the first place?" Tanong niya.

"Hindi ako nakipaghiwalay sayo -"

"You did!" Halos lumabas na ang litid sa leeg niya sa sobrang emosyong nararamdaman.

"I didn't!"

Katahimikan. Kapwa habol ang hininga sa bigat ng damdaming pilit pinipigilan para hindi tuluyang kumawala.

"Sino ba sa atin ang unang pumirma sa divorce paper?"

"Then bakit ka pumayag? Bakit mo pinirmahan din?

"Dahil iyon ang gusto mo!"

"No, dahil iyon ang gusto mo!" Sigaw niya. "I was just..." Hilam na ang kanyang mukha dahil sa mga luhang umaagos sa kanyang pisngi. "Sinusubukan lang kita..." Umiiyak niyang sabi. "Baka sakaling pigilan mo ako't sabihing mahal mo din ako."

"I'm home!"

Napapitlag ako sa sigaw na iyon. Damn! Si Princess, sino pa ba? Kailangan ba talaga niyang sumigaw ng gano'n kalakas?

Kinuha ko ang remote at pinindot ang pause button para doon sa pinapanoon kong tagalog movie. Wala kasi akong magawa, nabo-bore ako kaya naisip kong manood ng TV, nasaktuhan kong iyon ang eksena ng binuksan ko ang telebisyon at mailipat ang channel. Sakto namang papasok na siya ng bahay, hapon ng Linggo, ng makatayo ako.

"I'm home!" Muli niyang sigaw sabay inilahad sa ere ang dalawang braso.

Ano'ng ini-expect niya? Salubungin ko siya ng mahigpit na yakap? Na na-miss ko siya dahil wala siya ng halos dalawang araw? Na na-bore ako dahil wala akong kausap at kasama dito sa bahay buong weekends?

No way!

"Nandito na ako!" Sabi niya ng hindi ako kumikilos sa aking kinatatayuan.

"Alam ko." Patay-malisyang tugon ko. "Di naman ako bingi para di ko marinig ang malakas mong pagsigaw mula sa labas, at mas lalong hindi naman ako bulag para hindi kita makita kahit maliit ka."

Napanguso siya sa sinabi ko. "Sobra naman 'to." Reklamo niya. "Parang iyon lang ang sinabi ko e. Hindi mo man lang ba ako na-miss?" Tuloy-tuloy na sabi niya habang naglalakad patungo sa center island at inilapag doon ang mga bitbit na supot. "Tsaka, ouch ha?" Nakapameywang na humarap siya sa direksyon ko. "Maliit ako pero maganda naman." Magsasalita na sana ako pero agad niya akong pinigilan. "Walang kokontra kung hindi, di ko ipapakita sayo ang bagong picture ni Krum."

Sukat sa narinig ay mabilis akong lumapit sa kanya. "Where? Let me see it, Princess!" Sabi ko sa kanya.

"Mamaya." Pag-iinarte niya. "Magpapahinga muna ako."

"Princess!" May pagbabantang bigkas ko. "Pag hindi mo pa ipinakita sa akin ang bagong photos ng anak ko at this instance, magpapahinga ka forever!" Pananakot ko sa kanya.

Nanlalaki ang mga matang nagbaling siya ng tingin sa akin. "'To naman di ka na mabiro." Tsaka binuksan ang shoulder bag para mailabas ang cellphone. "Heto na nga o, inilalabas na ang cellphone ko."

Inirapan ko siya. Agad kong hinablot mula sa kanya ang cellphone para matignan ko na ang mga pictures ni Krum. Pero ang siste, naka-lock ang screen. Nakasimangot at nakamamatay ang tinging ipinukol ko sa kanya.

"Password." Tsaka inilahad sa kanya ang cellphone.

"Toyi toyi." Mabilis niyang sagot.

Mas lalo kong sinamaan ang tingin sa kanya. Napangiwi siya at mabilis na kinuha mula sa akin ang cellphone para mai-unlock ito.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon