Chapter 20 The Devil's Kiss

12K 665 205
                                    

"Do not fall in love with people like me. I will take you to museums, and parks, and monuments, and kiss you in every beautiful place, so that you can never go back to them without tasting me like blood in your mouth. I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand why storms are named after people." – Caitlyn Siehl


Gabrielle POV


"Mama, aren't you coming with us?" Inosenteng tanong ni Krum habang binibihisan ko siya.

"No, anak." Tugon ko habang itinatali ang kanyang shoe lace.

"Why, mama?" Lukot ang mukhang muling tanong niya.

Napangiti ako sa kanya. Hinawakan ko siya sa beywang para maibaba ng kama. "This is your day." Alo ko sa kanya habang hawak ko ang maliliit niyang kamay at inakay siya patungong pinto. "I-enjoy mo 'to kasama ang mommy mo."

"But –"

"Krum..." Tumigil ako sa paglalakad at lumuhod sa harapan niya. "Di ba ang sabi mo gusto mong makasama ang mommy Kreme mo? Heto na!" Pangungumbinsi ko sa kanya. "Ilang linggo lang tayong maglalagi dito kaya sulitin mo na, okay?"

Nakalabing tumango siya. Muli na akong tumayo at binuksan ang pinto. Hawak ko ang kamay ni Krum na bumaba kami ng hagdan patungo sa dining room.

Nadatnan naming nasa harapan na ng hapagkainan sina mama Hailey at mommy Stef, kasama si Finn. Si Harper naman ay hindi na dito nakatira. Binigyan siya ni mama Hailey ng sariling condo bilang regalo noong 18th birthday niya.

"Good morning, mamu!" Masiglang bati ni Krum kina mama Hailey at mommy Stef sabay humalik sa pisngi ng dalawa.

"Are you excited?" Tanong ni mama Hailey sa kanya.

"Yes, po!" Sabay itinaas pa ang kamay na sagot ng bata.

Nagkatinginan kami ni Finn at nagkangitian.

"Halika ka na." Sabi ko kay Krum at inalalayan siyang makaupo sa tabi ko, sa bandang kaliwa. Sa bandang kanan ko naman si Finn.

Nakaupo kami paharap sa pinto ng dining room. Katapat ni Finn si mommy Stef at sa kabisera naman si mama Hailey.

"Dapat kumain ka ng marami." Sabi k okay Krum. "Para may lakas ka sa pamamasyal."

Saktong inaabot ko ang plato na naglalaman ng sunny side up egg ng pumasok si Ramjen. Kasunod nito si Kreme. Natigilan ako sandali ng magtama ang aming mga mata.

"Mommy!" Masiglang sigaw ni Krum pagkakita sa kanya.

Noon ako nagbawi ng tingin sa kanya at itinuon ang atensyon sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Krum.

"Hello, handsome!" Nakangiting bati ni Kreme sa bata. "So early, huh?" Lumapit siya sa kinauupuan naming at hinalikan sa pisngi si Krum.

"Yes po!" Parang kiti-kiting hindi ito mapakali sa kinauupuan. "I'm so excited." Dugtong niya.

Nagtungo si Kreme sa kanyang mga magulang para batiin ang mga ito ng halik sa pisngi. Katatapos lang bumati ng magandang umaga ni Ramjen sa amin.

"Kanina pa 'yan hindi mapakali." Nakangiting sabi ni Finn sa pinsan ng batiin niya ito ng halik sa pisngi.

"Halata nga." Nakangiting tugon ni Kreme. "Good morning, Gabrielle." Bati niya sa akin.

Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Titingala sana ako para tignan siya, hindi ko naman alam na hahalikan pala niya ako sa pisngi. Kapwa kami natigilan at agad na napalayo sa isa't isa ng sa labi ko nag-landing ang labi niya. Mukhang wala naming ibang nakapansin sa nangyari, dahil nakatuon ang atensyon nila sa pagkain.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon