Chapter 29 Loving You Is Like...

13.2K 756 211
                                    

"I wanted to tell you that wherever I am, whatever happens, I'll always think of you, and the time we spent together, as my happiest time. I'd do it all over again if I had the choice. No regrets."


Gabrielle POV


"Gabrielle!"

Natigilan ako sa paglalakad at napalingon sa taong tumawag sa aking pangalan. Ngunit agad din akong nagbawi ng tingin at mas binilisan pa ang paglalakad papalayo ng mapagsino ito.

"Gabrielle!" Patuloy pa rin siya sa paghabol sa akin kahit na mukhang nahihirapan siyang maglakad dahil sa suot na damit.

Pareho na nga kaming nakapaa na lang sa buhanginan. Bumabaon kasi ang takong ng suot kong sapatos kaya tinanggal ko na kanina.

"Please, Kreme. Hayaan mo muna akong mapag-isa." Sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Naiinis ako, nagagalit, nadidismaya at nagseselos.

Oo, nagseselos ako. Hindi ko maiwasang magselos lalo na sa tuwing lihim akong mapapasulyap sa gawi niya ay nakabantay si Ramjen, o kaya naman ay nakahawak siya sa braso ng huli. Naiinis ako dahil wala naman akong karapatang magselos pero nararamdaman ko pa rin. Nagagalit ako dahil sa sitwasyong kinasasadlakan ko, pakiramdam ko lahat ng gawin ko o maramdaman ay mali. Nadidismaya ako sa isiping mahal niya ako, base sa narinig kong pag-uusap nila ng kanyang kapatid, pero wala naman siyang ginagawa para ipaalam o iparamdam sa akin iyon.

Arrrgghh! Nalilito na ako. Litong-lito na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

"No." Matigas niyang tanggi. "I will never give up. Not on you, not now, not ever."

Kapagkuwa'y hinawakan niya ako sa braso at agad na ipinihit paharap sa kanya para pigilan sa paglayo.

"Kreme -"

"Please, tumigil ka na sa pagpapahabol, napapagod na ako." Hinihingal ng pakiusap niya.

Binawi ko ang aking braso mula sa pagkakahawak niya bago tuluyan siyang hinarap. "Nakakapagod?" Pag-uulit ko. "Wala ka pa ngang ginagawa, napapagod ka na?" Nanunuyang dugtong ko.

"What?" Naguguluhang tanong niya.

Imbes na sagutin siya ay napairap ako sa kanya at akma na naman sanang maglalakad palayo ngunit agad niya akong napigilan at nahawakan sa braso.

"Gabrielle, wait." May bahid pakiusap na sabi niya. Pinagpapawisan na siya kahit na ang lamig ng simoy ng hangin. Pati laylayan ng suot kong damit ay tinatangay ng hangin.

Matalim akong napatitig sa kanya kaya binitawan niya ang braso ko. "Ano ba'ng ginagawa mo dito? Bumalik ka na doon." May halong inis na sabi ko. "Bumalik ka na kay Ramjen." Hindi ko maitago ang nararamdaman ko.

Napataas ang kilay niya at natitigilang napatitig sa akin. "Are you jealous?" Tanong niya na para bang naaaliw sa nakikita niyang reaksyon ko.

Pero imbes na sagutin ko ito ay napahalukipkip ako at napatingin sa ibang direksyon. Ayokong mabasa niya sa mga mata ko na nasasaktan ako sa mga nakita. Sa pagiging sweet nila ni Ramjen, at ang hindi ko na matagalan kaninang tignan na para bang hahalikan na siya nito.

"Look," Sambit niya sabay mabagal na naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. This time, hindi na ako nagtangka pang lumayo. "Ramjen and I..." Para bang hirap na hirap siyang magsalita ng mga oras na iyon. "... we're not an item." Awtomatiko akong nagbaling ng tingin ng sinabi niya ito. "I mean, we're not together... like together. Do you know what I mean?" Bahagyang napangiwing dugtong niya.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now