Chapter 39 Ask Me Not

15K 761 143
                                    

"True love is many things and can survive the strongest and most painful of times. When love comes out the other side of a fire, it may be scarred forever, but this bruised love is somehow only greater for having survived the pain."



Gabrielle POV


"Ano'ng ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pinto at alalayang makababa ng sasakyan.

"Kakain?" Patanong niyang tugon.

Sinagot ko siya ng makahulugang tingin sabay taas ng isang kilay.

Napaikot siya ng mata. "Bakit ba palaging hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?" Himutok niya. "I'm not a liar, Gabby." Na-miss ko ang pagtawag niya sa akin nito. "At kakain ako dahil nagugutom ako."

Tumingin ako sa ibang direksyon dahil ayokong makita niya ang pinipigilan kong ngiti. Ang dami kong na-miss sa kanya, kasama na doon ang pagiging maarte niya paminsan-minsan.

"And don't worry," Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm not going to eat you." Awtomatiko akong nagbaling ng tingin sa kanya dahil sa narinig. "No, not yet." Tsaka siya napangisi.

"Kreme!" Nawiwindang na bulalas ko.

Natawa lang siya sa naging reaksyon ko tsaka ako hinila papasok sa loob ng resto na pinagdalhan niya sa akin.

"So..." Panimula niya ng matapos siyang makapag-order ng pagkain. Magkaharap kaming nakaupo sa harap ng pandalawahang mesa. "... kumusta ka na?" Tanong niya.

"Okay lang naman." Tugon ko.

"How about Krum? Kumusta na siya?" Muling tanong niya.

"Okay din naman siya. Unlike noong bagong dating namin, ngayon kahit papaano ay nakaka- adopt na siya." Sagot ko.

Napangiti siya. "I miss him."

Napangiti rin ako. "Miss ka na din niya."

"I'm excited to see him." Masayang saad niya.

"Siguradong excited na rin siyang makita kang muli." Tugon ko.

Napangiti siya sa akin at ako din sa kanya. Kinuha niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa at pinaglaruan niya ang mga daliri ko. Tahimik kaming kapwa nakatingin sa aming kamay, parang pareho kaming naubusan ng sasabihin. Unti-unti kong nararamdaman ang tensyon sa ere. Hindi ko maintindihan kung bakit pero gano'n ang pakiramdam ko, kinakabahan ako na di ko malaman kung saan o kung ano ang dahilan.

Napatikhim siya kapagkuwan. "Ang boring 'no?" Komento niya.

Napatikhim din ako. Para kasing may nagbara sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon. "H-hindi naman." Tugon ko.

Ilang segundong katahimikan na naman ang namayani sa pagitan naming dalawa. Pinaglalaruan pa rin niya ang daliri ko.

"Oh, screw this -!" Mahinang mura niya ngunit parang nag-atubili siyang ituloy.

Binitawan niya ang kamay ko tsaka kinuha ang purse. Naglabas siya ng ilang bills at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa.

"Let's go." Sabay napatayong aya niya.

Naguguluhang napatingin ako sa kanya. "Pero 'yong -" Sabay turo sa may counter.

"Hayaan mo na." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo. "Hindi naman talaga ako gutom."

"Ha?" Nalilitong napatitig ako sa mukha niya.

"Just come with me, Gabrielle." Ibinuka ko ang bibig ko para sana magtanong ngunit maagap niya akong napigilan. "Hep! No more questions, please."

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon