Chapter 19 Is This Goodbye?

10.7K 633 210
                                    

"I am slowly learning that some people are not good for me, no matter how much I love them. I deserve someone who is gentle and kind because my soul is getting tired. Realizing that I deserve something good is one of the first steps."


Kreme POV


How many times did I imagine to have her in my arms again? How many times did I wish to taste her sweet lips once again? How long do I have to endure this pain of not having her in my life?

Tasting her lips once again is a risk I have to take. And I did. I kissed her. I mean, I'm already kissing her, holding her...

Isang malakas na tulak sa dibdib ang nagpatigil sa akin at nagpahiwalay sa pagdidikit ng labi ko at labi niya. Buti na lang din at mabilis ang reflexes ko and somehow na-anticipate ko na ang susunod niyang gagawin.

Ang bilis ng pagtaas baba ng kanyang dibdib, hindi ko alam kung dahil sa galit o inis, o di kaya naman ay sa pagsagap ng hangin dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. But seeing the fire in her eyes, her glares, her deathly stares... sa palagay ko ay ang una.

Marahas niyang binawi mula sa pagkakahawak ko ang wrist niya mula sa akin. Agad ko kasing naharang ang pagsampal sana niya sa akin.

Napaangat ang gilid ng labi ko dahil doon kapagkuwan. "Sorry."

Nagpupuyos ang damdamin niya habang nakatitig sa akin. "Sorry?" Bigkas niya, kulang na lang ay maglabas ng apoy ang kanyang mga mata. "Dapat lang na humingi ka ng sorry sa paghalik -"

"No, hon." I cut her off immediately. "Hindi ako nagso-sorry sa paghalik sayo." Napakunot-noo siya sa sinabi ko. "I'm saying sorry dahil hindi dumapo sa malambot at makinis kong pisngi ang palad mo."

Awtomatikong nawala ang pagkakangisi ko at nabibiglang nagbawi ng balanse ng bigla niya akong itinulak.

"Lumabas ka na." Inis na inis na pagtataboy niya sa akin.

"Gabrielle -"

"Hindi ba nasabi ko na sayo noon na huwag na huwag mo na akong hahalikan pa?" Nanggigigil na muli niya akong itinulak papalabas ng kuwarto.

"Kung hindi kita kayang ipaglaban?" I added.

"No." Mabilis niyang sagot. "Dahil wala ka ng karapatan pa para halikan ako. Wala ka ng karapatan sa akin, Kreme. Wala na."

Natigilan ako sa sinabi niya. Daig pa nito ang sinampal ako sa pisngi. Natitigilang nakatitig ako sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon at isinara ang pinto ng kuwarto. Pakiramdam ko ay napako na ako sa kinatatayuan. Hindi ako makahuma. Pakiramdam ko nga ay namanhid na ang buong katawan ko, pwera lang sa kumikirot kong puso.

"Wala ka ng karapatan sa akin, Kreme. Wala na." Her words still hanging inside my head.

You're a fool, Kreme. Sabi ng aking isipan. Ano'ng iniisip mo? Na isang halik mo lang mapapasayo na siyang muli? Asawa siya ni Finn, in case nakakalimutan mo! Dugtong nito.

Napakagat ako sa aking labi. She's... she's no longer mine. Not anymore. 'Yong pagmamahal na ibinibigay niya sa akin noon ay wala na rin. Seeing the hatred in her eyes is enough as a proof.

Yes, it's my fault. Wala namang dapat na ibang sisihin dito kundi ako lang. Kasalanan ko kung bakit nawala ang pagmamahal na iyon.

"Mahal kita, Kreme. Hindi pa ba sapat 'yon na dahilan para ipaglaban mo ako?" Her words haunted me for two years.

Now it's gone.

"Kreme?"

Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin kay Ramjen na kalalabas lang mula sa kabilang kuwartong ginamit namin.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now