Bonus Chapter: A Happy Ending

20.6K 708 200
                                    

"Surely this is no fairy tale but each of us deserves a happy ending." - Kreme


Kreme POV


"Happy New Year!"

Sabay-sabay naming sigaw nina Gabrielle at Krum pagsapit ng alas dose ng hating-gabi.

Yes, they're with me... at last.

"Happy new year." Masayang bati ni Gabrielle kay Krum sabay hinalikan ito sa noo.

"Happy new year too, mama." Nakangiting tugon naman ni Krum bago nagbaling ng tingin sa akin ang bata. "And to you, mommy!" Tsaka iniyakap sa beywang ko ang kanyang mga braso.

"Happy new year too." Balik ko sa kanyang pagbati at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

Nakangiting lumapit sa amin si Gab. Hinaplos-haplos niya ang ulo ng bata. "Happy new year." Kababanaagan ng saya ang kanyang mga mata. Para pa nga itong nagniningning sa sobrang sayang nadarama. At alam kung gayon din ang sa akin.

"Happy new year, hon." Bati ko bago bahagyang inilapit ang mukha para gawaran siya ng halik sa labi. "This is going to be the happiest year of my life." Sabi ko sabay haplos sa kanyang pisngi.

"This year lang ba?" She teased.

Natawa ako ng marahan tsaka napailing-iling. "Now and the years to come." Sagot ko. "As long as you're with me, you and Krum, alam kong magiging masaya ang bawat oras o araw ko."

Napangiti siya ng pagkatamis-tamis. Mga ngiting nagpapabilis sa pagpintig ng puso ko. "Ako din." Saad niya. "Masaya na ako basta't kasama ko kayo ni Krum."

"Me too!" Sigaw ni Krum sabay taas ng isang kamay.

Nagkatinginan kami ni Gabrielle at halos sabay na natawa bago nagbaling ng tingin sa batang nakatayo sa gitna naming dalawa.

"Why, of course!" Natatawang segunda ko tsaka siya binuhat.

Siya namang biglang pagsulpot ni Ramjen sa bukas na front door.

"Ready na ang fireworks!" Hayag niya.

"Let's go." Aya ko kay Gabrielle.

Nakangiting tumango naman siya. Karga ko si Krum habang nasa likod ko naman ang kamay ni Gabrielle na lumabas kami ng bahay.

Masayang naabutan namin sa labas ng bahay sina Josua, lola Remedios na nakaupo sa silya, at si Princess na mas piniling makasama kami ngayong bagong taon. Tutal naman daw ay umuwi siya noong pasko, panahon naman daw na makasama ang kanyang boyfriend. Sino pa ba? E di si Josua!

Dali-daling bumaba si Krum mula sa pagkakarga ko ng makalapit na kami sa kanila tsaka mabilis na lumapit kay Ramjen na siyang bahala sa pagsisindi ng fireworks. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit at paano biglang naging close ang dalawa. Kitang-kita naman kay Ramjen ang hilig niya sa mga bata. At oo na, madali lang naman siyang makagaanan ng loob, huwag lang talaga siyang nang-iistorbo sa amin ni Gabrielle dahil mabibwisit ako sa kanya... forever. Well, I'm just kidding. I've learned to care for Ramjen. She's been a good, good friend to me.

And the fireworks light up the sky. Parang si Gabrielle lang na nagbigay kulay at buhay sa mundo ko.

Nagbaling ako ng tingin sa babaeng kaakbay ko ngayon na abala sa pagtingin sa fireworks sa kalangitan.

Dreams really do come true. Isa na ako sa living testament. Ang dami-dami naming pinagdaanan, individually, bago nagkaroon ng katapuran ang kagustuhan naming makasama ang isa't isa. I don't want to be sentimental. We're celebrating new year, for fuck sake. I'm supposed to be happy. And yes, I am so happy. Please, don't get me wrong. Am I making sense? Haist, I think not.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now