Chapter 27 I'm All About You

11.2K 638 132
                                    

"Relationships don't only fail because the person you're with turns out to be the wrong person; it also fails when you yourself aren't yet the person you need to be. If you are not yet capable of being in loving relationships then the two of you are doomed."


Kreme POV

"Gab." Tawag ko sa kanya habang nakatanaw siya sa labas ng bintana ng sasakyan at ako naman ay palipat-lipat ng tingin sa kalsada at sa babaeng katabi ko sa harapang bahagi ng kotse.

Kanina pa kasi siya tahimik. Simula ng nasa pool kami kaninang umaga hanggang sa magpasya kaming bumiyahe patungong Batangas ngayong hapon. Mamayang gabi na kasi ang selebrasyon ng kasal ni Aryana.

"Gabrielle." Muling pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?" Parang nagulat pa siya ng lumingon sa akin.

Bahagyang napakunot-noo ako. Blangko kasi ang ekspresyon ng kanyang mukha at kitang-kita ang pagkalito sa kanyang mga mata.

"Are you okay?" May bahid ng pag-aalalang tanong ko.

Hindi siya agad nakakibo, ngunit titig na titig siya sa akin hanggang sa nakakailang na ang paraan niya ng pagtitig.

"Gabrielle." Muling bigkas ko sa kanyang pangalan sa naiilang na tono. "Kinakabahan na ako sayo." Komento ko. "Ayos ka lang ba?"

Napabuntong-hininga siya ng malalim na mas lalong ikinakunot-noo ko. "Ayos lang ako." Mahinang tugon niya pero sa hindi siguradong tinig.

"'Yong totoo?" Tanong ko habang nagpapalipat-lipat pa rin ng tingin sa kalsada at sa kanya. "Kung gusto mo, tumigil muna tayo -"

"Huwag na." Putol niya sa sinasabi ko at ngayon naman ay biglang nag-iba ang tinig niya at naging parang nawawalan ng pasensya.

'Yong totoo? May dalaw ba siya ngayon? Ang hirap niya kasing intindihin. Haist.

"Baka gagabihin pa tayo pag titigil ka pa." Patuloy niya. "Isa pa, ilang oras na lang naman ay makakarating na tayo ng Batangas."

"Kanina ka pa kasi tahimik diyan." Hayag ko.

"E ano'ng gusto mong gawin ko?" May bahid pagka-aburido ang kanyang boses.

Nagtataka na ako sa ikinikilos niya at sa inaasta niya sa harapan ko. "At least say something. Magkwento ka." Ang tanging naisagot ko na lang.

"Magkwento?" Pag-uulit niya. "Wala naman akong dapat na ikwento sayo. Dapat nga ay ikaw ang magkwento ng tungkol sa nangyari sayo sa loob ng mahigit dalawang taon. Kung bakit mo ako basta na lang iniwan noon sa Paris ng hindi ka man lang nagpapaalam. Kung papaano kayo nagkakilala ni Ramjen. At kung bakit nasa Ilocos ka? Ano'ng ginagawa mo doon? At isa pa, ikaw yata ang may sasabihin sa akin, hindi ako." She said in one breath.

Bahagyang napaawang ang mga labi ko at napatitig sa kanya. Sakto kasing naipit kami sa traffic. Maang akong napatitig sa kanya.

"Wow." Bigkas ko habang nakatitig sa kanya. "Is that really you?"

Napangisi siya ng may halong pagkasarkastiko habang napapailing-iling na nagbaling ng tingin sa harap. Naghintay ako sa sasabihin niya ngunit mukhang wala na siyang balak pang magsalita ulit. Nag-concentrate na lang muna ako sa pagmamaneho habang kumukuha ng tiyempo para makipag-usap ulit sa kanya. Pero ang magtapat sa kanya, I guess this isn't the right time... the right moment to do that.

Napasulyap ako sa rearview mirror. Buti na lang at nakasuot ng headset si Krum habang nakangiting nanonood sa iPad kung hindi baka makahalata siya sa tensyon sa pagitan namin ng kanyang mama.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now