Chapter 6 Hope After the Pain

10.2K 518 242
                                    

"Pain is temporary. It may last a minute, or an hour, or a day, or a year, but eventually it will subside and something else will take its place. If I quit, however, it lasts forever."


Kreme POV


"Pwedeng sa bahay niyo na lang muna ipasok si Ramjen?" May pag-aalinlangang tanong ni Josua sa amin ng makarating kami sa tapat ng bahay at makababa siya ng sinakyang motor.

Bumaba ako ng sasakyan. "What? No!" Mariing tanggi ko.

Nakangiwing napapakamot sa ulo si Josua. "Hindi kasi pwedeng iuwi si Ramjen na walang malay. Baka magalit o mag-alala si lola."

"May sakit sa puso ba ang lola mo?" Concern na tanong ni Princess na nakababa na rin ng sasakyan.

"Oo e." Worried na sagot nito.

Biglang pumasok sa isip ko si mamay Abby. Well, wala naman siyang sakit sa puso pero paano kung siya ang nasa posisyon ng lola nina Ramjen? Haist...

"Fine!" Napipilitang pagpayag ko. Ayoko sanang nagpapapasok ng hindi ko naman kilala sa loob ng bahay.

"Di bale, kilala mo na naman sila e." Sabi ni Princess sa akin.

Napa-eye roll na lang ako bilang tugon.

Nagmamadaling binuksan ni Princess ang gate para maipasok ko ang kotse. Panay naman ang kahol sabay napapatalon-talon pa si Fangs ng makitang ako ang dumating.

Hinayaan ko na sila ang bumuhat kay Ramjen para maipasok sa loob ng bahay. Sumunod sa akin si Fangs ng pumasok ako sa loob ng bahay. Sa kusina ako nagtungo para bigyan ng makakain ang aking alaga.

"Dahan-dahan." Narinig kong sabi ni Josua habang maingat na ibinababa ang wala pa ring malay na si Ramjen sa mahabang sofa na gawa sa pallets.

Parang pagod na pagod na naupo ang dalawa sa magkabilaang single sofa. Nagtanggal ng sapatos si Princess bago ito itinabi.

"Ang ganda at ang laki pala dito sa loob ng bahay niyo." Namamanghang bigkas ni Josua habang nakagala ang paningin sa kabuuan ng bahay.

Connecting ang living room at kusina. Tatlo ang kuwarto nito. May mini bar sa gilid. May back at front porch ang bahay. May nagpupunta dito every weekend para maglinis at maglaba. Minsan naman ay si Princess ang naglilinis pag wala siyang pasok.

"Dalian niyong gisingin 'yan para makauwi na din kayo." Saad ko.

Napangiwi si Josua sa sinabi ko. Si Princess naman ay makahulugan ang tinging ipinukol sa akin. Pinandilatan ko lang siya ng mata. Bitbit ang tasa ng tsaa na lumapit ako sa kanila.

"Hoy, 'tol. Gising." Sabay tinampal-tampal ng mahina ni Josua ang pisngi ni Ramjen.

"Halikan mo kaya baka sakaling magising?" Biro ni Princess sa akin.

"What?! No way! Yuck!" Maagap na tanggi ko sabay nandidiring napatingin sa taong nakahiga sa sofa.

Hindi naman sa nandidiri talaga ako dito. Pero ang halikan? Hell, no! Bukod sa hindi ko siya kilala, iisang babae pa lang ang nahalikan ko. At huwag ng ipaalala pa.

"Ito naman kung maka-yuck ka diyan!" Komento ni Princess. "Guwapo naman si Ramjen a!"

"E di ikaw na kung gusto mo!" Mataray na ganti ko sa kanya.

Inirapan lang ako nito. "Hoy, Ramjen. Gumising ka na kasi!" Niyugyog niya ang balikat nito.

"'Tol, gumising ka na. Nandito tayo ngayon sa bahay ng -" Sabay napasulyap sa akin. "Nina Kreme." Bawi niya sa sasabihin sana.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now