Chapter 37 Until Such Time

10.7K 628 157
                                    

"If you love something, set it free. If it returns, it was meant to be; but if it continues to fly let it soar high, and have faith that God has something better in store."


Kreme POV


Nakakarinig ako, pero pakiramdam ko bingi na ang puso ko. Para akong napako sa kinatatayuan at ni paghinga yata ay hindi ko na ginagawa. Masakit, nakakagulat, nakakadismaya. Halo-halong pakiramdam at sangkaterbak na katanungan ang naglalaro ngayon sa isip ko.

Bakit niya ginawa 'yon? Bakit hindi ako ang pinili niya? Akala ko ba ay mahal din niya ako?

Haist... ang daming 'bakit' sa isip ko ng mga sandaling iyon.

"Kreme."

Parang hindi ko naririnig ang pagtawag nila sa pangalan ko, para ding hindi ko na nararamdaman ang paghawak nila sa braso ko.

"Kreme, please be strong."

Ang sabi nila sa akin. Yes, it is easier than done. Madaling sabihing magpakatatag at maging matapang, pero kapag 'yong taong mahal mo na pala ang sumuko ibang usapan na. 'Yong pakiramdam na lahat ng pangarap mo, lahat ng gusto mo, naglahong parang bula.

"Kreme."

Parang noon ako nagising mula sa pagkakaparalisa... o bangungot?

How I wish na isa lang itong masamang panaginip. Na kung gusto kong gumising dahil ayoko sa mga nangyayari ay magagawa ko ano mang oras ko gustuhin. Pero habang nakatingin ako ngayon sa nag-aalala at malungkot na mukha ni Finn ay imposibleng panaginip lang ang lahat ng 'to.

"Kreme." Muling pagtawag niya sa pangalan ko.

"Finn." Bigkas ko. "She didn't choose me." Parang wala pa rin sa sariling saad ko.

Malungkot ang tipid na ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. "She didn't choose me either."

"Minsan," Halos sabay kaming napatingin ni Finn kay lola Alexandra. "... may mga pagkakataon talagang hindi tayo ang pinipili ng taong mahal natin." Tinapik niya ang mga balikat namin ni Finn bilang pakikisimpatya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni tita Taylor ng lumapit siya sa amin. "Don't worry, guys. This isn't the first time someone didn't choose us." Saad niya habang nakapamulsa sa harapang bulsa ng suot na lady suit. "Remember what your tita Celine did to me before? Mas pinili niyang mag-madre kaysa sa akin."

"Pero at the end kayo pa rin naman po." Komento ni Finn.

Napangiti siya. "Dahil mahal niya ako." Proud niyang tugon. "See? If you love someone, set them free, if she comes back, she's yours; and if she isn't, then your love is not meant to be."

"At saan mo naman 'yan nakuha?" Sabay akbay sa kanya ni tita Chyler.

"Google, dude." Nakangising sagot naman ni tita Taylor sa kanya.

"Uhm, guys." Napatingin kami kay Harper ng magsalita ito mula sa labas ng nakabukas na pinto ng library.

Pagkatapos kasing tumakbo kanina ni Gabrielle, ilang segundo lang ang nakakalipas ay pinasundan siya ni mama Hailey. Baka daw kasi kung ano'ng gawin ni Gab lalo na't halata naman ditong vulnerable dahil sa nangyari.

"I think ate Gabrielle is gone." Balisang balita niya.

"What do you mean she's gone?" Tanong ni mama Hailey.

"Like... gone-gone?" Patanong niyang sagot.

"Oh my God." Sambit ni JC.

"No, she's not." While shaking my head fervently.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now