Chapter 25 Find the Courage

11.8K 691 165
                                    

"'I love you' means that I care enough to fight for what we have and that I love enough not to let go." 


Kreme POV


Naramdaman ko ang unti-unting pag-relax ng kanyang katawan habang nakahiga siya sa ilalim ko. Kaya naman iniba ko ang paraan ko ng pag-atake. Hinalikan ko siya ng masuyo, enough para maramdaman niya ang pangungulila ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya tumutugon. Hinawakan ko ang pisngi niya ngunit para lang din matigilan.

Tumigil ako sa paghalik sa kanyang labi at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanyang mga mata. Nakapikit ang mga ito habang malayang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi.

"G-gab?" Nag-aalalang bigkas ko.

Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at tumingin ng diretso sa akin. Oo, nakainom ako pero hindi ako lasing. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang sakit sa kanyang mga titig. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang ginawa ko. Nagpadalus-dalos ako. Sarili ko lang ang inisip ko.

"Gabrielle..." Sambit ko.

Agaran akong umalis mula sa pagkakadagan ko sa kanya at naupo sa tabi niya. Mabilis siyang bumangon at nagmamadali ang kilos na bumaba ng kama. Napasulyap muna ako kay Krum na himbing pa ring natutulog bago sumunod kay Gabrielle na papalabas na ng pinto. Ako na nga rin ang nagsara nito.

Hinabol ko siya ng akma na siyang maglalakad patungo sa balcony at pinigilan sa braso. "Gab -"

Ngunit agad kong nabitawan ang kanyang braso at napaatras ng makatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya. Napahawak ako sa pisnging nasaktan habang nakatitig sa kanya. Para pa yata akong nabingi sa lakas ng impact nito.

Ilang beses siyang napapalunok habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin ng mga sandaling iyon. Ang bilis din ng pagtaas baba ng kanyang dibdib indikasyon ng tindi ng emosyong nararamdaman.

"Bakit mo ginagawa 'to sa akin?" Mabigat ang tinig niyang tanong sa akin kapagkuwan.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko. Nadidismaya ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. I want her back, that's all I ever wanted.

"Bakit?" Kulang na lang ay tirisin niya ako ng mga oras na iyon. "Ha, Kreme?" Ngunit magkagayon pa man ay kapansin-pansin din ang pagpipigil niya sa kanyang damdamin. "Kaya mo na ba akong ipaglaban ngayon?"

"Gab..." Sambit ko.

"Dahil kung hindi, pwede bang lumayo ka na lang?" Nagngangalit niyang bitaw. "Dahil pagod na pagod na ako, Kreme! Pagod na pagod na akong maging parang isang parausan lang!"

"Don't say that!" Mabilis kong protesta. Nasagi niya ang damdamin ko sa huling sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng pagkakonsensya.

"O kaya naman ay isang laruan na kung ayaw, itatapon at kung gusto ay bigla na lang pupulutin!" Pasigaw niyang sabi.

"Gabrielle -"

"Huwag kang lalapit sa akin!" Napaatras siya ng akma sana akong lalapit sa kanya. "Tama na, Kreme. Tama na!"

Napahagulgol siya sa aking harapan. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para aluin.

"I want you back." Kulang na lang ay makiusap ako sa kanya.

Natigilan siya sa narinig at napatitig sa akin habang umaagos pa rin sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha.

"I want you back, Gabrielle." Pag-uulit ko. "You and Krum. Gusto kong ibalik 'yong dating tayo."

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now