Chapter 24 Before Me

10.7K 668 171
                                    

"Their lips touched now, mouths pursed tight, their eyes open, both of them stock still. The moment held, a kind of such glorious confusion."


Gabrielle POV


"Tell me, Gabrielle." Bulong niya habang diretsong nakatitig sa aking mga mata pagkatapos ay bumaba ang kanyang tingin sa aking mga labi. "Tell me that you don't want me anymore."

Napalunok ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang nakipaghabulan ako. "Kreme, please..." Hindi ko din napigilan ang panginginig ng aking tinig.

"Please, what?" Nag-angat siya ng tingin. "Ano 'yon, Gabrielle?" Napakagat siya sa kanyang lower lip habang nakatitig na naman sa aking mga labi.

"Kreme..." Halos hindi na iyon lumabas sa aking bibig.

Dahan-dahang bumababa ang kanyang labi sa mukha ko. Parang alam ko na ang napipinto niyang gawin. Pero bakit gano'n? Bakit parang wala akong lakas para pigilan siya? Mali ito. Maling-mali. Unfair din kay Finn. Kahit saang anggulo tignan, mali ito at walang magandang idudulot sa akin at sa pamilya ko.

"Mama?"

Natigilan si Kreme sa pagsasagawa sa kanyang binabalak at napapikit ng mariin. Napapalunok na lang ako habang nakatitig sa mukha niyang puno ng pagkadismaya.

"Mama?" Muling tawag ni Krum sa parang maiiyak na tinig.

Agad na lumayo mula sa akin si Kreme at parang walang nangyaring ibinulsa niya ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang lady suit. Ako naman ay pilit pinapakalma ang pusong kanina pa nagwawala sa kaba. Eksaherada akong napatikhim bago nagsalita.

"Nandito ako, anak." Tugon ko sa bata.

Mabilis akong lumapit sa kama kung saan nakaupo na si Krum sa ibabaw nito. Agad siyang lumapit sa akin ng naupo ako sa gilid ng kama at nagpakandong.

Ilang saglit lang ay mabagal ng naglakad papalapit sa amin si Kreme. Ni tumingin sa kanya ay hindi ko magawa.

"I have to go." Sabi niya. Hindi ko alam kung kanino sa amin ng bata ang kausap niya.

"Where, mommy?" Kunot-noong tanong ni Krum. "Why are you leaving?"

"To visit lola Ana." Tugon niya.

Hindi na kumibo pa si Krum. Mukhang inaantok pa ito pero hindi na siya pwedeng matulog ulit dahil hapon na. Baka mahirapan na siyang makatulog mamayang gabi.

"Bye." Hinalikan niya sa ulo ang bata bago tumayo ng diretso at naglakad na patungong pinto.

"Take care, mommy!" Pahabol ng bata.

Narinig ko ang mga yabag niyang natigilan. "I will." Tugon niya. "I love you."

Awtomatiko akong napatingin sa gawi niya ng sinabi niya iyon. Agad na napasikdo ang puso ko ng sa akin siya nakatingin.

"Bye, Gab." Paalam niya sa akin bago tumalikod at binuksan ang pinto. Pero bago pa niya ito kabigin pasara ng makalabas ay muli siyang lumingon sa amin. "And I'm still waiting for your answer." Bahagyang nakaangat ang gilid ng labing kumindat siya sa akin bago isinara ang pinto.

Parang noon lang ako nakahinga ng maayos. Pakiramdam ko para akong naubusan kanina ng hangin.

"I love you." Ang sabi niya... marahil ay sa bata. Ayokong maging assuming. Isa pa, may girlfriend na siya, di ba? Bakit gano'n siya kung umasta?

Napailing-iling ako. Gano'n na ba siya talaga? Papasok sa isang relasyon pero hindi nagseseryoso?

Hindi na nga umuwi si Kreme para maghapunan. Sabagay, pakialam ko ba? Wala akong pakialam kung sino man ang kasama niya ngayon o kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Wala akong pakialam kung hindi man siya umuwi ngayong gabi dito sa bahay. Hindi ko siya hihintayin. Hindi.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon