Chapter 11 Home

10K 582 172
                                    

"Love is blind and love can be foolish. Our heart doesn't always love the right person at the right time. Sometimes we hurt the ones that love us the most, and sometimes we love the ones that don't deserve our love at all."


Gabrielle POV


"Are we good to go?" Tanong ni Finn sa aming mag-ina habang inaayos ko ang kwelyo ng suot ni Krum.

"Yes, daddy!" Masiglang tugon ni Krum.

Simula ng ibalita sa amin ni Finn na pupunta kami ng Pilipinas, 'yon na lagi ang bukambibig ni Krum. Nakakatawa din ang ginawa niyang pagka-countdown. Nilalagyan niya ng ekis ang bawat araw na nagdadaan sa kalendaryo.

Natutuwang lumapit si Finn sa amin. Tumayo na kaming mag-ina sa tabi ng kama pagkatapos kong maayos ang damit niya. Kinuha ni Finn ang maliit na backpack ni Krum sa ibabaw ng kama at tinulungan niyang maisukbit ito sa bata.

"Are you excited to see mamay Abby, lola Ana and the rest?" Tanong ni Finn sa anak habang nakaluhod ito sa harapan ng bata.

"Yes po." Tugon niya. "But I am most excited to see mommy Kreme." Dugtong nito.

Nagkatinginan kami ni Finn sa sinabi ng bata. Wala pa siyang sinasabi sa akin tungkol sa narinig ko noong nagkausap sila ni mamay Abby na umalis si Kreme. Di rin naman ako nagtanong baka isipin pa niyang concern ako.

Bakit hindi pa ba? Tanong ng aking isipan.

Lihim akong napabuntong-hininga. Si Finn na ang asawa ko. Period. Katwiran ko sa sarili.

"Okay." Nakangiting tugon ni Finn sa bata.

"I'm going to see her, right, daddy?" Inosenteng tanong ng bata.

"Of course, baby boy." Sagot niya.

"Promise?" Tanong pa ng bata.

Napalunok ako. Paano niya makikita si Kreme kung wala nga ito? Kung umalis na nga ito at dalawang taon na nilang hindi nakikita? Hindi ako sigurado pero base sa narinig ko ay hindi yata nila alam kung nasaan ito.

Muling napasulyap sa akin si Finn. This time, nag-iwas ako ng tingin. Ayokong may mabasa siya sa aking mga mata. Siguro makakapagsinungaling ako sa salita pero hindi sa aking mga mata.

"I promise." Narinig kong tugon ni Finn kaya mabilis akong nagbaling ng tingin sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin ng tipid bago muling nagbaling ng tingin sa bata. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Binuhat na niya si Krum. "Let's go?" Tanong niya sa akin.

Tipid na ngiti at tango lang ang naisagot ko sa kanya. Sabay-sabay na kaming lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Isasama din namin si Aling Bebang para makita at makasama niya kahit sandali lang ang kanyang pamilya.

Ang sabi kasi ni Finn, two weeks lang kami sa Pilipinas. Hindi siya pwedeng magtagal dahil sa naiwang negosyo dito sa Paris. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi sa akin ang totoong dahilan kung bakit ura-urada na nag-aya siyang umuwi ng Pilipinas. Ang tanging naisagot lang niya sa akin ay kasal daw ng pinsan niyang si Aryana sa susunod na linggo. Next week na lang susunod sa amin ang kanyang mga magulang kasama si Lynox para um-attend ng kasal.

Kung sa susunod na linggo pa naman ang kasal nito, bakit kailangang umuwi na kami ngayon? Gusto ko sanang itanong sa kanya ang tungkol sa narinig ko, pero bukod sa ayoko siyang magduda, ayoko na ring i-entertain ang ideya na magkikita kami ni Kreme sa isipan ko. Ang malamang wala siya at hindi namin siya madadatnan pag-uwi, kahit papaano ay nakapagpagaan sa aking kalooban. Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaba.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now