Chapter 23 Dealt With

10.8K 657 189
                                    

"The reason why we can't let go of someone is because deep inside we still have hope."


Kreme POV


"I'm sorry, Asher." Hingi ko ng paumanhin sa kausap sa cellphone.

"You said, yes, Kreme." Sabay napabuntong-hiningang bigkas niya. Halata sa kanyang tinig ang pagtatampo sa hindi ko pagdalo sa meeting na sinasabi niya sa akin noong nakaraan.

"Kaya nga..." Bigkas ko. "Ipinasyal ko kasi si Krum that day. Gabi na kami nakauwi." Paliwanag ko.

"Mommy, I like this one!" Sabay turo ni Krum sa isang slice ng black forest cake sa menu. Dinala ko kasi siya dito sa bakeshop nina tita Jazmine.

"Sure, anak." Nakangiting tugon ko sa bata.

"Alright," Walang nagawang sambit niya. "I understand. You're catching up for the lost time." Saad niya. "Pero sana huwag lang sa bata... sa amin din. Dahil na-miss ka rin namin, Kreme."

Napakagat ako sa aking labi sa sinabi niya. "That's why I'm saying sorry." Nasabi ko na lang.

"How about tonight?" Tanong niya. "Pupunta ka sa bar?"

Napaisip ako. "I'm not sure, Ash."

"Magsisimula na ba akong magtampo sayo?" Tugon niya.

"Fine." Napipilitang pagpayag ko. "Pupunta ako sa bar mamayang gabi. Sino pa ang pupunta?"

"Ryle, Irish, Lauren too - I guess, your sister is already there, Brooklyn and Lily. Nakauwi na yata kagabi kaya sasama siya mamaya. Si Eira naman hindi talaga makakasama dahil sa pag-aalaga ng bata." She enumerated. "So, please..." Bahagyang pinahaba pa niya ang huling kataga. "... come."

Lihim akong napapabuntong-hininga. "I will."

"Promise?" Hirit niya.

Hindi ako agad nakatugon. "I promise."

Mukhang nakahinga siya ng maluwag mula sa kabilang linya. "Okay, I'll see you tonight, cousin."

Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos at ibinaba na ang tawag. Noon lumabas si JC mula sa maliit na opisina nila ni tita Jaz.

Nabibiglang napatayo ako mula sa kinauupuan at sinalubong siya. "What are you doing here?" Eksaheradang tanong ko. "Di ba hindi ka pwedeng naglalabas-labas dahil maselan ang pagbubuntis mo?"

Napangiti siya habang nagsusuot ng apron na may pangalan at logo ng bakeshop nila. "Okay lang namang maglalabas-labas ako. Huwag lang aabusuhin ang katawan." Paliwanag niya.

"JC..." Nag-aalalang hinawakan ko siya sa braso.

"I'm fine, KT." Nakangiting sabi niya. "Si Lauren lang talaga ang OA sa aming dalawa."

Napangiti ako sa pagtawag niya sa akin ng aking palayaw. May mga bagay akong na-miss sa mga pinsan ko, there are things naman na I wish hindi nangyari o hindi parte ng pamilya ko.

Haist... I never want to treat them as villains on the story of my life.

"Hello, Krum!" Bati ni JC sa bata.

Awtomatikong rumehistro ang ngiti sa mga labi ni Krum. "Hi, tita JC." Sabay kaway na bati rin niya.

"What do you want to eat?" Malambing na tanong ni JC kay Krum. Kung hindi siguro namatay 'yong baby nila ni Lauren ay halos magkasing-edad na sila ni Krum.

"I want this one po." Tugon ng bata sabay turo sa napili niya kanina.

Nakangiting muli akong naupo sa katapat na upuan ni Krum, sa harapan ng pandalawahang pabilog na lamesa. Tuwang-tuwa siya ng sinabi ni JC sa kanya na libre na 'yong pagkain niya tsaka 'yong strawberry flavored milkshake na favorite niya.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now