Simula

17.2K 443 98
                                    

STEFAN

"I, Henrik Gascon, do solemnly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President of the Philippines, preserve and defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself to the service of the Nation. So, help me God."

NAABUTAN KO si Papa na nanonood ng TV sa sala habang maingat kong binababa ang aking maleta sa hagdan. Hindi niya manlang napansin ang aking presensya kahit sinadya ko nang patunugin ang aking sapatos habang naglalakad palapit sa kanya.

"Pa.."

Isang tingin lang ang ipinukol niya sa akin bago muling binalik ang mata sa panonood. Napatingin na rin tuloy ako roon.

Pinapalabas ngayon ang oath taking ng bagong pangulo ng Pilipinas. Lahat ng pilipino'y tutok na tutok sa pormal na seremonyas na ito. Marami ang hindi pumasok sa kani-kanilang trabaho para abangan ito sa telebisyon. Sino ba namang hindi tututok sa araw kung kailan uupo na ang bagong mamumuno sa Pilipinas?

Well, ako yata..

Don't get me wrong. May pakialam ako sa Pilipinas. May pakialam ako sa nangyayari sa paligid ko. Ang akin lang, hindi naman kailangang maantala ang gagawin ko sa araw na ito para lang masaksihan ang oath taking niya. I can watch it again on YouTube if I want.

"Pa, aalis na po ako.."

Umigting ang panga ni Papa at pumikit nang mariin. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Bahagya akong nasilaw sa mga pin na nakadikit sa kanyang uniporme. Kahit sino siguro ang mapatingin sa kanya'y talagang titiklop dahil sa takot. Malaking tao si Papa at sa tindig pa lang niya, siguradong magmamakaawa na ang mga kalaban para sa kanilang buhay.

Napatingin si Papa sa maletang iniwan ko muna sa huling baitang ng hagdan. Mas lalong nag-apoy ang mata niya sa galit. Kahit natatakot ay buong tapang ko pa rin siyang hinarap. Gusto kong maramdaman niya na buo ang desisyon ko at walang makahahadlang sa akin.

"You're not leaving in this house, Stefan!" Parang malakas na kulog ang kanyang boses na umalingawngaw sa loob ng bahay.

Ako naman ngayon ang nag-apoy sa galit. "Why? I am in the right age to live on my own!"

"To live on your own? Ano, aalis ka rito para gawin ang gusto mo? 'Yong gusto mo na hindi mo naman ikauunlad? How many times do I have to tell you that you should follow my steps, Stefan?"

Oh, here we go again..

Bumuntong-hininga ako upang pakalmahin ang sarili bago muling nagsalita, "Hanggang ngayon ba'y hindi mo pa rin matanggap na hindi ko gusto maging sundalo? Hindi ka ba natatakot para sa akin? If I pursue military, my life will always be in danger!"

"But you can protect yourself! If you pursue the military, you can protect not only yourself but also the people around you!"

"I can protect the people around me even if I'm not a soldier! Pa, please, just let me do what I want... what I love.."

Umiling siya, hindi pa rin nawawala ang nag-aalab na galit sa mga mata. Sinubukan kong humakbang palapit sa kanya upang hawakan ang kanyang braso ngunit umatras siya. Nanikip ang dibdib ko.

"Balang araw, maiintindihan mo rin ako."

"No," tugon ko. "I will never understand a father who can't support his child's dreams."

Tinalikuran niya ako. Kahit masakit ay tumalikod na rin ako. Nilapitan ko ang aking maleta at tahimik na naglakad palabas ng bahay. Pinatunog ko ang aking sasakyan bago lumapit doon. Pagkatapos kong ilagay sa compartment ang aking maleta, hinarap ko ulit ang tahimik at malaking bahay.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now