Kabanata 17

3.7K 166 3
                                    

RAFFIELLA

AKO ANG kinakabahan para kay Stefan. Wala siyang kaalam-alam na pinatawag siya rito sa headquarters para tanungin ng personal tungkol sa na-encounter niyang rebelde kasama si Gorio. Natatakot ako para sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Masama ang kutob ko sa mangyayari ngayong gabi.

Hindi ko nilubayan ng tingin si Stefan na sandaling natahimik dahil sa tanong ni Captain Pablo Abad. Tulala siya na para bang iniisip niya kung ano ang tamang salita na maaaring gamitin para makapag-kuwento nang maayos.

Kung sasabihin ni Stefan ang sinabi niya sa akin tungkol sa diumano'y inosenteng pinatay ko sa palengke, hindi lang ako ang mapapahiya, pati na rin si Captain Pablo Abad.

Siya ang humawak sa kasong iyon dahil galit siya sa akin. Ayaw niyang makialam ako dahil sa palpak kong desisyon noong araw na 'yon. Ilang araw ko rin tinanong sa kanya kung ano ang resulta ng imbestigasyon hanggang sa ideklara niyang isang rebelde nga ang napatay namin. Kinumpirma raw iyon ng matandang mag-asawa at dalagitang natagpuan naming umiiyak sa bahay ng lalaki.

Kaya hirap na hirap talaga akong paniwalaan si Stefan. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Mas lalong hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko kung sakaling tama siya.

"H-Hindi ako rebelde! H-Hindi akin ang b-baril na ito!"

Umiling ako upang iwaksi ang boses na iyon sa aking isipan. Totoo nga kayang hindi siya rebelde? Totoo nga kayang inosente ang napatay ko noong araw na 'yon?

Inangat ni Stefan ang kanyang sarili mula sa pagkakasandal sa upuan. Marahan niyang pinatong ang dalawang kamay sa mahabang lamesa bago tumitig nang diretso kay Captain Pablo Abad na nasa harap lang niya.

"Sinabi sa akin ng rebeldeng nakausap ko na hindi nila kasapi ang lalaking namatay sa palengke. Ang hawak na baril ay hindi nito pagmamay-ari."

Tumagilid ang ulo ni Captain Pablo Abad. "Iyon lang ang sinabi niya, Sir Carreon?"

Sumulyap sa akin si Stefan. Isang ngiti ang iginawad niya bago muling balingan ang aking kapitan. "Iyon lang po ang sinabi niya sa akin."

Humalukipkip si Captain Pablo Abad, nakatitig pa rin sa relax na relax na si Stefan.

Buti pa siya, relax lang. Samantalang ako, mamamatay na rito dahil sa kaba. Natatakot ako para sa kanya.

"Kung gano'n ay maraming salamat sa iyong kooperasyon. Sisiguraduhin naming hindi na iyon mauulit sa 'yo o sa kahit na sinong residente sa lugar ninyo," Tumingin sa akin si Captain Pablo Abad kaya napatuwid ako ng upo. "Tapos na ba ang duty mo, Española?"

Tumango ako. "Yes, sir."

"Kung gano'n ay ihatid mo na si Sir Carreon sa tinutuluyan nila."

Tumayo ako at humarap sa kanya upang sumaludo. "Yes, sir!"

"Sandali," Napatingin kami kay Stefan na hanggang ngayo'y hindi pa rin tumatayo. "Ano'ng gagawin n'yo ngayong nalaman ninyong inosente ang namatay sa palengke? Uulitin n'yo ba ang investigation?"

Napalunok ako sa katapangan niya.  Bakit kailangan pa niyang tanungin 'yon? Hindi naman niya iyon trabaho! Puwede bang kahit ngayon lang, itikom niya muna ang bibig niya?

Ngumisi si Captain Pablo Abad ngunit hindi ko nakitaan ng tuwa ang kanyang mga mata. "Sir Carreon, wala ka bang tiwala sa amin?"

Tumaas ang kilay ni Stefan. "That's not what I mean, Captain Pablo. Wala namang masama kung mag investigate kayo ulit, 'di ba?"

Huminga nang malalim si Captain Pablo Abad, tila hindi interesado sa mga pinagsasasabi ni Stefan. "Rebelde ang nakausap mo, Sir Carreon. Wala silang ibang ginawa kundi manggulo at manakot sa mga tao, kaya bakit mo paniniwalaan ang sinabi niya? Baka nga kung hindi dumating ang tropa, malamang hinikayat ka na rin niya umanib sa kanila. Gagawin nila ang lahat para lang hindi sila mag mukhang masama kaya niya sinabi iyon sa 'yo."

Stars On Her Shoulderजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें