Kabanata 32

2.7K 134 8
                                    

STEFAN

NAABUTAN KO si Mama sa sala, mag-isa at nanonood ng TV. Nang marinig niya ang hakbang ko pababa ng hagdan, agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Sure ka ba talagang hindi mo na ako kailangan doon?" tanong niya.

Umangat ang tingin ko sa kanya pagtakapos ayusin ang huling butones ng aking polo. "Ma, hindi naman mahirap ang gagawin ko ro'n. At isa pa, hindi ka puwedeng magtrabaho, 'di ba?"

Sumimangot si Mama. "Wala ang papa mo, at wala ka rin. Wala akong kasama rito! Kaya please, isama mo na ako."

Ngumiti ako. "You can invite Tita Milena here para may kasama ka. You can go to the mall or spa if you want."

Nagtagal ng ilang segundo ang tingin niya sa 'kin bago nagsalita, "Fine! Just call me if may problema ha."

"Yes, Ma," sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. "I'll go ahead. Baka ma-traffic pa ako."

"Okay. Take care."

Hinatid ako ni Mama sa sasakyan. Binantayan niya ako hanggang sa tuluyan akong makalabas ng bahay.

Dahil hindi puwedeng magtrabaho si Mama, ako muna ang mamamahala sa mga negosyo namin sa Cavite. Ilang araw na akong pabalik-balik doon dahil hindi ako puwedeng mag-stay malayo kay Mama. Alas siete ng umaga ang alis ko rito sa Manila at alas siete naman ng gabi ang alis ko sa Cavite.

Ngayong araw, hindi ako sigurado kung masusunod ang oras ng alis ko sa Cavite. Baka gabing-gabi na ako makauwi, or worse, madaling-araw. May gaganapin kasing beauty pageant sa resort namin at kailangan nandoon ako hangga't hindi iyon natatapos.

"Good morning, sir!" bati ng mga sales pagdating ko.

"Good morning," nakangiti kong tugon. "Si Miss Patrice?"

"Nasa opisina niya po," sagot ng medyo chubby sa kanila.

Sumulyap muna ako sa katabing pinto ng aking opisina bago nagsalita, "Okay. Thank you."

Nilapitan ko ang opisina ni Miss Patrice. Kumatok ako hanggang sa marinig ang boses niya sa loob. Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok.

Sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi nang magtama ang mata namin. Hindi ko napigilang pasadahan ng tingin ang kanyang suot na masyadong agaw pansin. Tumikhim ako nang makita kung gaano ito ka-sexy na hindi ko sigurado kung angkop itong suotin sa gitna ng trabaho.

"May kailangan ka, Sir Stefan?" tanong niya sa isang malambing na boses.

Binalewala ko ang kilos niya at diretsong umupo sa upuan sa tapat ng kanyang lamesa. "Gusto ko lang tanungin kung anong oras magsisimula ang pageant mamayang gabi? Ready na ba ang mga room para sa pagbibihisan ng mga kandidata? Gagamitin ba nila ang pool for after party?"

Maarteng tumawa si Miss Patrice. "Relax, Sir Stefan. Ready na ang lahat maliban sa isa."

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"

May kinuha siya sa drawer na white folder. Pinadausdos niya ito sa kanyang lamesa palapit sa akin. "This is a letter from the pageant's committee. Ini-invite ka po nila maging isa sa mga judge para mamaya. Kagabi lang nila ito s-in-end sa akin via email."

Kinuha ko ang folder at binuklat ito upang basahin ang letter sa loob. Sandali akong pumikit bago muling tumingin kay Miss Patrice. "Bakit hindi mo f-in-orward sa akin ito kagabi?"

Ngumiti siya. "Bilin po kasi ni Ma'am Sabrina na sa kanya na lang i-forward at siya ang mag-a-approve."

Napahilot ako sa aking sintido. "So, approved na ito ni Mama?"

Stars On Her ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon