Kabanata 45

2.7K 118 3
                                    

RAFFIELLA

HINDI NAGING madali para sa akin ang mga sumunod na araw. Nagsikap akong kumilos na parang walang alam sa harap ni Daddy. Kahit gustong-gusto ko na siyang kumprontahin, pinanatili ko pa ring tikom ang aking bibig. 

Iyon ang bilin sa akin ni Stefan.

Sa tingin niya, kapag hindi aware si Daddy na may nalalaman ako, mas makagagalaw kami nang maayos. Mas magiging madali sa amin ang pagkilos dahil walang nagmamasid. Mas makukuha rin namin ang mga impormasyong kailangan namin nang mabilisan.

Tinatak ko iyon sa aking isipan. Alam kong tama si Stefan dahil iyon ang pagkakamali ko nang kumprontahin ko si Captain Pablo Abad noon. Nagawa niya akong isumbong kay Captain Simeon Carreon dahil hindi ko talaga tinigilan ang kaso ni Rene. Nagsaliksik pa ako para malaman kung sino-sino ang mga sundalong kasabwat niya at saan nila nilibing si Rene. Dahil ayaw kong tumigil, nagbanta silang i-de-detain ako kapag hindi ko tinantanan ang kaso.

Naging maingat na ako ngayon. Bukod sa ayaw kong maulit ang pagkakamali, ayaw ko rin mapahamak si Stefan. Kailangan kong tanggapin na hindi ako mag-isa sa ginagawa kong ito. Hindi siya puwedeng mapahamak nang dahil sa akin.

"Hintayin lang natin si General Gregory Lizardo," sambit ni Captain Pablo Abad.

Nandito kami ngayon sa conference room para sa isang meeting. Lahat ng mga officers na nanggaling sa Elena ay pinatawag nila. Sinubukan kong tanungin si Captain Pablo Abad kung para saan ang meeting pero hindi niya sinagot. Hindi na ako nagpumilit pa.

Bumukas ang pinto ng conference room para sa pagpasok ni General Gregory Lizardo. Kasama niya si Daddy at ang dalawa pang sundalo na kasing taas ng ranggo nila. May mga hawak silang blue folder maliban kay General Gregory Lizardo.

Tumayo kaming lahat upang sumaludo at bumati. Agad naman silang tumugon bago kami pinaupo.

"Nais kong iparating sa inyo ang kasalukuyang lagay ngayon ng tropa natin sa Elena," panimula ni General Gregory Lizardo. "Sa loob ng ilang araw na paghahanap sa kuta ng mga rebeldeng terorista, nagkaroon na ng lead ang ating mga kasamahan sa pangunguna ng grupo ni Second Lieutenant Martin Verbo."

Nagkatingnan ang mga kasamahan ko. Naramdaman kong dumapo sa akin ang mata ni Captain Pablo Abad na hindi ko pinansin.

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil iyon din ang nararamdaman ko. Parehas naming hindi matanggap na kasama kaming dalawa sa mga pinauwi samantalang si Second Lieutenant Martin Verbo ay nanatili sa Elena. Bago ako umalis, sa kanya ko t-in-urn over ang trabaho ko alinsunod sa utos ng nakatataas.

"Bukod doon, nakahuli rin sila ng mga rebelde na namataan nilang pagala-gala sa gubat. Gaya ng inasahan, nahirapan ang tropa na paaminin kung saan sila naninirahan. Ngunit sa huli, napaamin din nila ito pero huli na ang lahat. Mabilis kumilos ang ating mga kaaway kaya mabilis din silang nakalilipat ng tataguan."

"Kung ganoon ay paano tayo nakasisiguro na mahuhuli ng grupo ni Second Lieutenant Martin Verbo ang mga rebelde sa lead na sinasabi n'yo? Natitiyak ba nila na hindi ito makatatakas sa kanila?" matapang na tanong ni Captain Pablo Abad.

Nagtaas ako ng kilay. Alam kong hanggang ngayo'y dinidibdib pa rin niya ang desisyon ng presidenteng pauwiin kami rito sa Maynila. Siya ang higit na apektado sa aming dalawa dahil hindi biro ang ginugol niyang taon na pagtatrabaho sa Elena.

"Sinarado ni Second Lieutenant Martin Verbo ang posibleng lagusan ng mga rebelde kung sakaling magkaroon ng engkuwentro. May mga sundalong nagbabantay sa bawat lagusan na 'yon hanggang sa ilog na pumapagitan sa Catalina at Elena upang hindi madamay ang mga taong naninirahan doon."

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now