Kabanata 11

4.4K 209 16
                                    

RAFFIELLA

GINAWA KO ang lahat para iwasan si Stefan.

Ito lang ang nakikita kong paraan para kumalma ang sistema ko. Ito lang ang nakikita kong paraan para makapag-isip ako nang maayos.

"You will know the answer if you let me get close to you.."

Bakit kailangan pa niyang lumapit sa akin para lang doon? Para saan ang paglapit niya? Gusto ba niyang guluhin ako? Pwes, hindi ako makapapayag. Ayaw kong guluhin ng isang tulad niya ang kalmado kong isipan. Ayaw kong tuluyan niyang guluhin ang mundo ko.

Dahil doon ay tinuon ko ang atensyon sa trabaho. Kung dati'y hindi ko siya pinapansin, mas lalo na ngayon. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin, inililihis ko agad ang tingin sa ibang bagay. Tuwing kakausapin niya ako, tumatango lang ako upang matapos agad ang usapan. Tuwing nagbibigay siya ng "peace offering", tinatanggap ko pero binibigay ko sa iba kong kasamahan.

Kung malamig na ang trato ko sa kanya noon, mas doble ngayon. Lahat ng ginagawa niyang paglapit, hindi ko pinapansin.

"I am so disappointed, First Lieutenant Española. Kung mas maaga mong ni-report ang nangyari sa palengke, mabibigyan sana kita ng mas maraming tao. Sayang ang pagkakataon! Mahuhuli na sana natin ang iba pang kasamahan ng rebeldeng napatay n'yo!" dismayadong wika ni Captain Pablo Abad.

Nasa opisina niya ako ngayon. Hindi siya nag supervise ng training ngayong araw para kausapin ako. Ito lang din ang available na araw na maaari kaming mag-usap nang walang nasasagasaan na trabaho.

"Iyan! Isa pang problema iyan! Napatay n'yo ang rebeldeng sana ay makapagsasabi sa atin kung nasaan ang kanilang kuta! Bakit n'yo naman kasi agad pinatumba? Nag-iisa lang 'yon at ang dami n'yo! Wala manlang ba isa sa inyo ang nakaisip na lumapit at hulihin siya? Huwag mong sabihin sa akin na natakot kayo sa baril na hawak niya?"

Kahit marami akong rason na maaaring ibato sa kanya'y mas pinili ko na lang manahimik. Hindi ako maaaring magpaliwanag nang hindi niya hinihingi. Likas na iyon sa trabaho namin. Kailangan mong tanggapin ang lahat ng sasabihin sa 'yo ng leader mo kahit gaano mo pa kagustong ipaliwanag ang sarili mo.

Umupo si Captain Pablo Abad sa kanyang lumang swivel chair at tinukod ang mga siko sa lamesa. Pumikit siya habang hinihilot ang kanyang sintido. Bakas ang matinding pagod at stress sa mukha niya. Naiintindihan ko iyon dahil mahirap ang ginagawa niyang trabaho. Hindi lang ang mga trainees ang sinu-supervise niya, pati na rin ang iba't ibang sundalong nagkalat sa lalawigan ng Elena upang paigtingin ang seguridad ng mga tao. Sa kanya lahat nakapatong ang responsibilidad na iyon.

Isa ito sa dahilan kung bakit hindi na dapat ako magpaliwanag pa. Ayaw kong lumala ang stress na nararamdaman niya kaya mas mabuting akuin ko na lang ang kasalanan. 

At isa pa, nagkamali naman talaga ako. Malinaw ang pagkakasabi sa akin ni Nico Alarcon na nanghihingi ng back-up ang mga tropang nagbabantay sa palengke, ngunit ano'ng ginawa ko? Lumakad ako na si Alarcon lang ang kasama. Hindi agad ako rumespunde ng tamang tulong sa tropa.

"Sana hindi na ito maulit pa, Española. Sige na, bumalik ka na sa baryo Ilat. Send me your weekly report after your duty."

Umayos ako ng tindig at sumaludo. "Yes, sir!"

Tahimik kong nilisan ang kanyang opisina. Natigilan lang ako nang makita sina Mac at Stefan sa front desk. Nagtatalo pa ang isip ko kung lalapitan ko ba sila ngunit may sariling buhay yata ang mga paa ko at hindi ko na ito nagawang pigilan pa.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?"

"Kakausapin ko po si Captain Pablo Abad tapos itong si Stefan nama'y magbibigay ng sulat," ani Mac.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now