Kabanata 24

3K 129 9
                                    

STEFAN

AYAW KONG magsinungaling, lalong-lalo na kay Raffi. Ayaw kong isipin niya na sinasarili ko ang mga impormasyong nakukuha ko. Alam kong magagalit siya kapag ginawa ko 'yon, at ayaw kong magalit siya sa akin.

Ngunit iba ang kasong ito. Wala akong choice kundi maglihim sa kanya! Wala akong choice kundi sarilinin ang nalaman ko kanina nang makipagkita ako sa lalaking nagpunta rito kagabi.

"Si Raffi?" tanong ko kaninang umaga kay Billie.

Si Raffi agad ang una kong hinanap pagtungtong ko sa baryo Ilat kaya nang hindi ko siya mahagilap, lumapit na ako kay Billie. Gusto ko kasi sabihin kay Raffi ang tungkol sa lalaki na nakausap ko kagabi, at syempre, gusto ko na rin magpaalam para hindi siya magalit. Ayaw niyang umalis ako nang hindi niya nalalaman kaya kailangan kong sabihin iyon sa kanya.

"May inasikasong report sa headquarters kaya wala raw siya ngayong umaga. Kami muna ni Alarcon ang in-charge na magbantay sa inyo."

Tumango ako. "Pero mamayang hapon nandito na siya?"

Ngumisi si Billie. "Oo, Stefan. Bakit, miss mo na?"

Hindi ako nakasagot dahil biglang nagsalita si Andres. Umakbay pa siya sa akin habang nakangisi.

"Miss na miss, Ma'am Billie!"

Ngumiti lang ako habang napapailing sa pang-aasar nila. Tumawa si Billie habang nakatitig sa 'kin, hindi makapaniwala na gano'n ang nararamdaman ko para kay Raffi.

"Huwag kang mag-alala, saglit lang gumawa ng report 'yon. Babalik din siya rito mamayang hapon."

Hapon pa ang balik niya. Hindi ako makakapagpaalam kaya wala akong choice kundi umalis nang hindi niya nalalaman. Ayaw ko sana gawin ngunit curious ako sa matandang lalaki na iyon. Curious ako sa sasabihin niya, at mas lalong curious ako kung paano niya ako nakilala.

Iyon ang inisip ko habang nagtuturo. Kahit abala sa mga bata, hindi ko nilubayan ang pag-andar ng oras. Tutok na tutok ako sa pagpatak ng alas dose ng tanghali. Kaya nang dumating 'yon, nilapitan ko agad si Mac na iniwan ni Andres sa ilalim ng puno para tulungan si Tessa sa paghahanda ng pagkain.

"Mac, 'di ba alam mo kung saan matatagpuan 'yong covered court dito sa baryo Ilat?" tanong ko.

Tumigil siya sa paglalagay ng mga papel sa kanyang bag para tumingin sa akin. "Bakit mo natanong?"

Nakaramdam ako ng kagustuhan ilihim ito sa kanya sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong malaman niya ang totoo kung bakit gusto ko magpunta roon.

"Uh, gusto ko lang makita.." Napapikit ako nang mariin. Hindi iyon convincing, Stefan!

Tumango siya, mukhang na-convince ko naman. "Sige, sasamahan na lang kita—"

"Hindi! Huwag na! Ako na lang ang pupunta roon."

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin gamit ang mga matang nagdududa. "Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ang gagawin mo roon?"

Nataranta ako kaya umiwas ako ng tingin. Bakit ba ako natataranta? Makikipagkita lang naman ako at walang masama roon.

Kalma, Stefan! Hindi ka naman gagawa ng krimen kaya wala kang dapat ikataranta.

"Okay, makikipagkita ako sa isang kaibigan. Doon kami magkikita kaya gusto kong malaman kung saan iyon matatagpuan."

Right, Stefan! Totoo naman ang sinabi mo, makikipagkita ka, pero hindi nga lang sa kaibigan.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Siguradong hindi ako papayagan nitong si Mac kapag nalaman niyang sa estranghero ako makikipagkita.

Stars On Her ShoulderOnde histórias criam vida. Descubra agora