Kabanata 22

3.1K 136 4
                                    

STEFAN

HINDI KO namalayan ang ngiti habang nakatitig sa masayang mukha ni Raffi. Nakatitig ako sa kanya habang nakikipagtawanan siya kina Andres at Mandy. Ang gaan ng mukha niya na para bang walang iniisip na problema.

Picnic ang naisip naming gawin sa malaking pasyalan ng Santa Fe. Maraming tao rito sa park kaya mas masaya. Mga batang nagpapalipad ng saranggola, magbabarkada na nagtatawanan sa ilalim ng puno, at mga magkasintahan na nasa loob ng Chinese Temple.

Nasa ilalim kami ng puno ngayon. Naglatag lang kami ng malaking tela at doon pinagsaluhan ang mga pagkaing binili namin kanina noong nag drive thru kami.

"Tapos alam n'yo ba, maraming estudyanteng nagkaka-crush diyan kay Stefan sa school namin. 'Yong mga senior high school, talagang nagpupunta pa sa faculty room para lang sa kanya!" natatawang sambit ni Andres.

Napatingin silang lahat sa akin. Tumatawa si Mandy habang sina Tessa, Elias, at Mac nama'y namimilog ang mga mata, hindi makapaniwala. Binalingan ko rin ng tingin si Raffi na ngayo'y nangingiti na lang dahil sa mga sinabi ni Andres.

"Prince Stefan nga ang tawag sa kanya ng mga batang iyon! Mukha raw kasi siyang prinsipe!"

Binato ko ng french fries si Andres para manahimik ngunit mas lalo lang siyang natawa.

"At sino naman ang prinsesa? Si Lilian?" natatawang sambit ni Elias bago nakipag-high five kay Mac.

Nasamid si Lilian sa kinakain na burger kaya inabutan agad siya ni Andres ng softdrinks. Umirap naman si Mandy bago dumikit sa akin.

"Hindi naman siya mukhang prinsesa.." bulong niya.

Napatingin sa kanya si Raffi na nakaupo rin sa tabi ko. Nakatitigan silang dalawa bago kumindat si Mandy at lumayo sa akin.

"Hindi si Lilian ang inaasar sa kanya, si Mandy," wika ni Andres sabay tingin sa amin.

"Tss. Yes, and that's gross! Stefan is my ex and hindi ko binabalikan ang ex na!" mataray na sambit ni Mandy na labis kinagulat ng lahat maliban kina Lilian at Andres.

"'Di nga? Mag-ex kayo?" tanong ni Mac habang papalit-palit ang tingin sa amin.

"Unfortunately, yes!" si Mandy sabay kagat ng burger.

"Woah! Bakit kayo naghiwalay?"

Nagkatingin kami ni Mandy. Tamad na tamad ang kanyang mga mata, tila pagod na sa mga gano'ng tanong. Well, the feeling is mutual.

"We're not meant to be," maikling paliwanag ko.

"And we're college that time. Nag-e-explore pa. Hindi seryoso sa mga gano'ng bagay," dagdag ni Mandy.

"Wala na bang chance na magkabalikan kayo?" kuryosong tanong ni Elias.

"Eww! Parang younger brother ko na siya, 'no!" ani Mandy sabay inom ng softdrinks.

Younger brother? Mas matanda ako sa kanya, ah!

"Eh ikaw, Stefan?"

Tumawa ako. "My younger sister is already taken."

"Talaga?" hindi makapaniwalang sambit ni Lilian. "May boyfriend ka na, Mandy?"

Tumaas ang kilay ni Mandy. "Why? Is there a problem?"

Hindi na nagawang magsalita ni Lilian dahil sumingit si Andres. "Ikaw, Ma'am Raffi? Nagka-boyfriend ka na?"

Napatingin kaming lahat kay Raffi na natigilan sa pag-nguya dahil sa narinig. Tumikhim siya bago kami hinarap nang maayos.

Stars On Her ShoulderTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang