Kabanata 29

2.6K 126 3
                                    

RAFFIELLA

NAKATANAW LANG ako sa mga kasamahan kong sundalo na isa-isang sinasalansan ang maleta ng mga teachers sa sasakyan. Malayo ako mula sa kinaroroonan nila. Siniguro kong hindi nila ako makikita, lalong-lalo na ni Stefan.

"Bakit hindi raw sumama si Ma'am Raffi sa pagsundo sa amin sa bahay?" tanong ni Andres kay Billie.

Nasa parking lot kami ng headquarters ngayon. Sa sasakyan nina Stefan at Andres nilalagay ang mga gamit nina Lilian at Mandy.

At saan ako naka-puwesto? Sa loob ng isang malaking armored vehicle malapit sa sasakyan nila, nagtatago pero nakasilip sa bintana.

"Masama raw ang pakiramdam," maikling paliwanag ni Billie sabay sulyap sa tinataguan kong sasakyan.

"Sabihin mo sa kanya na uminom siya ng gamot, at huwag pababayaan ang sarili," nakangiting wika ni Stefan.

Pinulupot ni Mandy ang kamay niya sa braso ni Stefan. "Let's go. Kailangan nating makabalik ng Manila bago mag-sunrise. Doon ka na sa sasakyan ni Andres, Lilian."

Umirap si Lilian. "Kung maka-asta ka talaga, parang wala kang boyfriend."

Tumaas ang kilay ni Mandy. "Mahirap na, baka agawin mo pa siya kay Raffi."

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Naglikha ng ingay ang kilos ko kaya napatingin sila sa sasakyang tinataguan ko.

"What's that?"

"Baka may dumaang pusa sa ilalim ng sasakyan!" tinig ni Billie bago harangan ang tingin ni Mandy.

"Pakisabi kay Ma'am Raffi mamimiss ko siya!" wika ni Andres pagkatapos isara ang compartment ng kanyang sasakyan.

Tumango muna si Billie sa tatlong sundalong tumulong sa pagbuhat ng mga maleta bilang pasasalamat bago ito umalis.

"Sige, sasabihin ko sa kanya."

"Let's go na!" naiinip na wika ni Mandy habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Text na nang text sa akin sina Mommy at Ryan."

Pumasok na sina Lilian at Andres sa sasakyan. Sumunod na rin si Mandy na nagmamadaling pumasok sa sasakyan ni Stefan.

"Ikaw na ang bahala sa kanya," sambit ni Stefan nang maiwan sila ni Billie.

Tumawa si Billie. "Huwag mo masyadong isipin si Raffi. Kaya niya ang sarili niya."

Hindi na nagsalita si Stefan. Tumango na lang siya at tahimik pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko nilubayan ng tingin ang mga sasakyan nila hanggang sa paandarin nila ito palayo at tuluyang mawala sa paningin ko.

Nagulat ako nang sumakay si Billie sa armored vehicle na sinasakyan ko.

"Mag-uusap pa tayo," aniya bago paandarin ang sasakyan.

Hindi na ako nagsalita dahil abala ako sa pagpigil sa mga luha ko. Mukhang napansin ni Billie iyon kaya isang marahang mura ang narinig ko sa kanya bago binilisan ang pagmamaneho.

Dinala niya ako sa pasyalan sa Santa Fe. Sabay kaming bumaba at naglakad. Tumigil siya sa harap ng isang lake kaya tumigil din ako upang pagmasdan ang pagsikat ng araw.

"Tumupad ka sa usapan," pagbasag niya sa katahimikan.

Natigil sa ere ang paghinga ko. Gusto kong huwag na tumupad sa usapan namin ngunit alam kong hindi niya ako tatantanan.

Ito ang kapalit sa pagtatakip niya sa akin kanina. Sinabi ko sa kanya na gumawa siya ng kahit anong dahilan sa oras na magtanong si Stefan kung bakit hindi ako nagpakita bago manlang ito umalis.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now