Kabanata 31

2.7K 115 3
                                    

RAFFIELLA

NAKAKUYOM ANG kamao ko habang nakatitig kay Captain Simeon Carreon. Pilit kong pinipigilan ang galit ngunit sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya'y nawawalan ako ng kontrol sa sarili. Hindi na ako magtataka kung hindi na maganda ang timpla ng mukha ko ngayon sa harap niya.

"Drop the case, First Lieutenant Española. Palalampasin ko ang ginawa mong pandadamay sa anak ko, basta bitawan mo lang ang kaso."

Napatingin ako kay Captain Pablo Abad na nasa tabi niya, nakatitig din sa akin. Walang emosyon ang mga mata niya. Kung galit na ako ngayon kay Captain Simeon Carreon, mas galit ako kay Captain Pablo Abad.

Siya ang nagsumbong sa akin kay Captain Simeon Carreon. Dahil ilang linggo na akong hindi tumitigil ang pag-iimbestiga, isinangguni na niya ang ginagawa ko sa itaas. Hindi ako sigurado kung si Captain Simeon Carreon lang ang sinabihan ni Captain Pablo Abad ngunit base sa nangyayari ngayon, mukhang siya nga lang talaga ang pinagsabihan.

Kung kumalat na ito sa headquarters sa Manila, dapat nandito na rin ngayon si Daddy.

"Hindi ko po dinamay si Stefan sa ginagawa ko," pilit kong binigyan ng galang ang bawat kataga.

Hindi ko naman talaga siya dinamay. Kung ako nga lang ang masusunod, ayaw kong malaman pa ito ni Stefan. Kaya nga tiniis ko na malayo siya sa akin para maprotektahan dahil alam kong hindi dapat siya kasama rito.

Tumagilid ang ulo ni Captain Simeon Carreon. "Sinasabi mo bang nagkamali ako sa mga impormasyong nakalap ko habang pinababantayan ko ang anak ko rito sa Elena?"

Kung alam ko lang na minamanman niya ang anak niya, sana'y hindi ko na hinayaan na samahan ako ni Stefan sa pagtuklas sa katotohanan sa nangyari kay Rene.

Tumikhim si Captain Pablo Abad habang naglilikha ng tunog ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. "Alam ni Stefan na hindi totoong rebelde si Rene, hindi ba?"

Hindi ako sumagot.

"Sigurado akong alam na niya," mahina niyang sinabi. "Kung alam na niya, alam na rin ba niya na nagsinungaling ako sa publiko?"

Tumingin muna ako kay Captain Simeon Carreon bago sumagot. "Walang alam si Stefan. Wala akong sinasabi sa kanya tungkol sa inyo."

Nasasaktan ako para kay Stefan ngayong nalaman ko na may kinalaman din pala si Captain Simeon Carreon sa kasinungalingang ito. Hindi ko kayang isipin ang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niyang kasabwat din ang ama niya sa anumalyang nangyayari sa hukbong sandatahan.

Tumitig sa akin si Captain Simeon Carreon bago sinandal ang likod sa kanyang upuan. "I'll talk to him to drop the case."

Sige, Captain Simeon Carreon! Sabihan mo ang anak mo na bitawan na ang ginagawang pag-imbestiga dahil sigurado akong masasaktan lang siya kapag nalaman niya kung sino ka talaga!

Bumuntong-hininga si Captain Pablo Abad. "Bitawan mo na rin ang kaso, Raffi. Kailangan nating mag-focus sa mga rebeldeng nagkalat dito sa Elena. Hanggang ngayo'y hindi pa rin sila nahuhuli ng mga Scout Rangers."

Hindi dapat siya mag-alala tungkol doon. Hindi ko pinababayaan ang paghuli sa mga rebelde dahil gusto ko nang matapos ito!

Taas-noo ko silang tiningnan. "Bibitawan ko ang kaso sa isang kundisyon."

Naging matalim ang tingin nila sa akin.

"How dare you! Utang na loob mo sa amin ito, baka nalilimutan mo. Kung hindi kami nagsinungaling sa publiko, nakakulong ka na sana ngayon!" singhal ni Captain Simeon Carreon.

"Raffi, that's enough. Kung hindi mo susundin ang gusto namin, mapipilitan kaming i-detain ka."

Gusto kong magmura. Tunay ngang mapang-abuso sila dahil pati posisyon nila'y ginagamit nila para patahimikin ako. Mga makasarili!

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now