Kabanata 42

2.6K 114 6
                                    

STEFAN

GANADONG-GANADO AKO kumilos sa mga sumunod na araw. Hindi ko alam kung bakit parang lahat ng bagay na makita o gawin ko'y nagdudulot sa akin ng saya. Kahit nga habang nagta-type lang ako sa laptop ng mga dokumento, ngiting-ngiti pa ako.

What on earth is happening to me?

"Ehem!" Sabay kaming napatingin ni Papa kay Mama. Kanina pa kami tahimik kumakain kaya agaw-pansin talaga ang biglaan niyang pagbasag sa katahimikan. "So, kumusta ang resort sa loob ng halos dalawang buwan mong pagma-manage no'n, Stefan?"

Lumingon sa akin si Papa para abangan ang sagot ko. Seryoso ang mukha niya na para bang kaunting kibot ko lang ay pagagalitan niya ako.

Taliwas 'yon sa facial expression ni Mama. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Ang mga mata niya'y masyadong mapanuri na para bang may alam siya sa nangyayari sa akin sa opisina.

Binaba ko ang tingin sa pagkain bago nagsalita, "Ayos naman. Most of the time, weddings and intimate occasions ang sinasagawa sa mga venue natin. Last week, kinausap ko 'yong manager sa venue natin sa Silang. Ang sabi niya'y nagkaroon daw ng kaunting aberya roon dahil sa isang guest na nakainom at nagwala kaya nakasira ng iilang item. Na-aksyunan naman 'yon agad."

"How about the double events in one day? Same day, same time, and same venue. Hindi nagkaroon ng gano'ng scenario?"

Umiling ako. "Iniiwasan ko, Ma."

"So, hinahayaan mo lang na mawala ang mga kliyente natin?"

"No. Sina-suggest ko sa kanila ang iba pa nating events place around Cavite."

"Woah! Nasusunod ba ang theme ng event nila kapag ganoon? Paano mo sila nako-convince na lumipat kung magkakaiba ang vibes ng mga events place natin?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mama. Ngumisi siya at tiningnan ako gamit ang mga matang naghahamon.

"Nasusunod naman. Nag-o-offer ako sa kanila ng package kung saan kasama na roon ang stylist na affiliated sa atin kaya na-co-coordinate nang maayos ang disenyo na gusto ng kliyente. Pero kung hindi talaga, wala akong choice kundi pakawalan sila. I need to stand on my decision na hangga't maaari, iiwasan ang dobleng event sa magkaparehong araw at venue dahil ayaw natin maging dahilan ng pagkasira ng mahalagang araw nila."

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Mama habang tumatango. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Bakit ngayon lang nagtanong sa akin si Mama ng mga ganitong bagay? At hindi ba nasabi sa kanya ni Miss Patrice ang mga nangyayari sa negosyo namin?

"That's good to hear. Pero kung dumating man ang araw na maulit ang ganyang scenario, don't hesitate to call me. Marami akong suggestions na puwede mong gawin."

"Hindi ako masyadong updated sa mga bookings dahil si Miss Patrice ang huma-handle no'n. Minsan lang din niya sabihin ang mga ganyang problema dahil nagagawan naman niya agad ng solusyon. Kung gusto mo, siya na lang ang tanungin mo. But I think that's not a good idea because of your condition."

Umayos ng upo si Mama at mukhang na-excite pa sa sinabi ko. She's more attentive now na para bang may topic na pumukaw sa atensyon niya.

"Oh, I'm still in touch with Miss Patrice. Hindi nga lang tungkol sa trabaho ang mga sinasabi niya sa akin. Maybe because you never allowed her to say something about work."

Naningkit ang mga mata ko nang maramdaman ang laman sa mga sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin na iba ang mga sinasabi ni Miss Patrice sa kanya?

"Kung ganoon ay ano ang pinag-uusapan n'yo?"

Nagtaas ng kilay si Mama. "She told me about a girl..."

Nahinto sa pag kain si Papa upang balingan ako ng tingin. Nagbabanta ang kanyang mga mata na para bang naniningil ng paliwanag. Bumuntong-hininga ako bago tingnan si Mama na hindi pa rin napapalis ang mapang-asar na ngisi.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now