Kabanata 16

3.8K 187 12
                                    

STEFAN

HINDI NATANGGAL ang kaba ko hanggang sa makauwi. Pakiramdam ko'y mas lalong humirap ang sitwasyon nang umamin ako kay Raffi. Sa tuwing naaalala ko ang mukha niya na nakatitig lang sa akin habang sinasabi ko ang nararamdaman ko, naiisip ko ang pinaghalong kaba at takot.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga sinasadya ang pag-amin sa kanya. Hindi ko pa nga naaamin nang maayos sa sarili ko na gusto ko siya, nasabi ko na agad ito sa kanya. Masyado lang akong nadala sa emosyon ko lalo na nang mahawakan ko ang kamay niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang luminaw ang lahat sa akin nang mahawakan ko iyon.

That moment, I realize that I am doomed. Wala na, tapos na ang laban. Ang ilang araw at gabi na pagtatalo ng isip at puso ko tungkol sa hindi mapangalanang nararamdaman ay nasagot na. The moment I held her hand, I realize that I don't want her away from me. Instead, I want to get close to her. Really close. So close.

Gagawin ko ang lahat para mangyari 'yon. Gusto kong ako ang hahanapin niya sa tuwing masaya, malungkot, at natatakot siya. Ayaw kong piliin niyang itago ito sa sarili gaya ng ginagawa niya ngayon. Ayaw kong tinataboy niya ako lalo na kung alam kong kaya ko naman manatali sa tabi niya sa kahit anong panahon at pagkakataon.

At ginagawa ko ito dahil sa isang dahilan: I like her.

"So, what? What happened earlier, Stefan? Tell me! Effective ba ang plano ko?" excited na sambit ni Mandy. Nandito siya ngayon sa kuwarto namin ni Andres. Kanina ko pa nga siya pinalalayas dahil nakakahiya naman na naghihintay ang mga bodyguards niya sa labas, ngunit mukhang wala siyang pakialam.

Hindi rito nagse-stay si Mandy. Mayroon siyang kinuha na hotel sa San Rafael. Iyon raw ang kasunduan ng daddy niya at ni Papa. Mas safe kasi roon kaysa rito.

"Mukhang effective nga ang plano mo, Mandy. Nakita ko ang matatalim na tingin ni Raffi sa inyong dalawa habang kumakain tayo kanina!" masayang sambit ni Andres.

Nakaupo kaming tatlo sa kama ko. Gusto ko na nga magpahinga pero ayaw nila akong tantanan. Nakita raw kasi nila ang pag-uusap namin ni Raffi kaya gusto nila na magkuwento ako.

"Oh my gosh! Finally, magkaka-girlfriend na ang ex ko! Akala ko hindi ka pa nakaka-move on sa akin, eh!"

Umiling na lang ako.

Ang laman ng letter ni Mandy na pinadala niya sa akin noon ay puro pangungumusta. Bukod sa gusto niyang malaman kung saan ako nakatira rito sa San Jose, gusto rin niya malaman kung ano ang lagay ko rito. Kung maayos lang ba ang kalagayan ko at kung wala raw ba akong problema sa mga nakakasama ko.

Kaya nang sumulat ako pabalik, nabanggit ko roon si Raffi. Wala naman akong sinabi na ibang detalye tungkol sa kanya pero nag-assume na agad ang kaibigan ko. Iniisip niya na may gusto ako kay Raffi kaya ko ito inaasar at dinidikitan.

Oo, tumanggi ako sa paratang niyang iyon kaya hinamon niya ako. Malalaman ko raw ang totoong nararamdaman ko kapag hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Hindi ko iyon maintindihan noong una ngunit nang mapansin ko ang pagdikit niya sa akin, nahalata ko na.

Gusto niyang makita ko ang reaksyon ni Raffi kapag may kasama akong iba dahil doon daw ako malilinawan sa nararamdaman ko. Kapag nakita ko raw na nagselos si Raffi, mas maiintindihan ko raw ang sarili ko.

Hindi ko akalain na totoo nga iyon.

"Huwag mo akong lokohin, Stefan! Hindi mo nga ako pinapansin simula nang dumating dito si Mandy, kaya huwag kang umakto na parang gustong-gusto mong lumapit sa akin dahil hindi iyon totoo!"

Nagulat ako sa sinabi niya ngunit mas nagulat ako sa naramdaman ko. Parang isang gatilyo iyon na kinalabit kaya lumabas ang totoo kong nararamdaman.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now