Kabanata 47

2.6K 102 15
                                    

RAFFIELLA

BINITAWAN KO ang kamay ni Stefan nang makarating kami sa tapat ng pinto ng unit ni Alondra. Sinamaan niya ako ng tingin bago muling hinanap ang kamay ko at hawakan iyon nang mahigpit. Wala na akong nagawa nang ipagsalikop niya ang aming mga daliri.

Alam ko ang nasa isip niya. Iniisip niya na hindi pa rin ako maka-move on sa paghatid niya kay Alondra rito noon. Iniisip niya na nagseselos pa rin ako hanggang ngayon!

Oo, sa tuwing naiisip kong lasing si Alondra at hinatid siya ni Stefan noon dito sa condo, kumukulo ang dugo ko. Ewan ko ba kung bakit kahit matagal na 'yon at wala naman talagang nangyari'y naiinis pa rin ako. 

Pero hindi ako kasing immature ng iniisip niya. Hindi ibig sabihin na ayaw kong dumikit siya sa akin ay naiinis pa rin ako tungkol doon. Ayaw ko lang na madatnan kami ni Alondra na magka-holding hands dahil alam kong may pagtingin ang babaeng iyon sa kanya. Hindi ko tinatago ang relasyon namin ni Stefan pero hindi ko rin naman ito pinalalandakan.

Ngunit dahil ayaw talagang humiwalay sa akin ni Stefan...

Napawi ang ngiti ni Alondra pagbukas ng pinto. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang tingin niya mula sa mga mata namin hanggang sa magkahawak naming kamay.

"I thought you're alone. Hindi mo naman sinabi na may kasama ka pala."

Ginawa ko ang lahat upang panatilihin ang blangko kong mukha habang nakatingin sa kanya. Remember, Raffi. Kailangan mo pa ang babaeng ito para sa impormasyong kailangan mo. Kalma ka lang, okay?

"Yes. Kailangan niyang marinig ang pag-uusapan natin," malumanay na sambit ni Stefan habang humihigpit ang kapit sa kamay ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni Alondra mula ulo hanggang paa. "So, you're a soldier, huh?"

"Alondra..." tinig ni Stefan.

"Oh, right! Mag-uusap nga pala tayo. Come in!"

Nilawakan niya ang pagbukas ng pinto at minuwestra ang kamay papasok sa loob. Si Stefan ang unang humakbang papasok, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Nakita ko kung paano makatitig si Alondra sa kamay namin na binalewala ko na lang.

Parehas kaming natigilan ni Stefan nang makita ang isang lamesang may kandila at bulaklak. Doon lang din namin napansin na may tumutunog palang instrumental love song mula sa kung saan. Napapikit ako nang mariin nang mapagtanto ang nangyayari.

"Candle light dinner, huh?" nanunuya kong sambit.

Kinagat ni Stefan ang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa. Nagtaas ako ng kilay. Ano'ng nakatatawa? Iniisip niyang nakatutuwa ito, ha?

"Oh! G-Gusto n'yo bang mag dinner na muna? I-I can add another chair if you want." Ngumiti si Alondra habang nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Stefan. Nang makitang seryoso ang mukha ko ay naging bahaw ang ngiti niya.

"No, thanks. Nagpunta lang talaga kami rito para makausap ka," si Stefan na napapangiti kahit wala namang dapat ikangiti!

"Okay. Sa sala na tayo kung gano'n..."

Pagtalikod ni Alondra, buong lakas kong hinatak ang kamay ko para mabitawan ni Stefan. Mas lalong lumapad ang ngisi sa labi niya na para bang lahat ng gawin ko'y nakakaaliw sa kanya!

"Tinatawanan mo ba ako?" bulong ko.

Umiling siya. "No. I'm just excited..."

"Excited?"

Nilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong, "I'm excited to see you wearing a pretty dress for our candle light dinner. Hindi pa natin iyon nagagawa."

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now