Kabanata 41

2.7K 151 9
                                    

RAFFIELLA

HINDI PA man tumutunog ang alarm clock, gising na ako. Naligo, nagbihis, at nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba at magtungo sa kusina. Nadatnan ko roon si Edna—ang kasambahay namin—na katatapos lang magluto.

"Good morning po!" bati niya nang makita ako.

"Good morning din, Edna. Sina Mommy at Daddy?"

"Si Ma'am Ruby po ay maaga umalis. Si Sir Rowan naman po'y hindi umuwi kagabi."

Tumango lang ako at hinayaan siyang lagpasan ako para ilagay sa lamesa ang mga pagkain. Sumunod naman ako sa kanya.

"Tuloy po ba tayo mamaya, ma'am?" tanong niya habang kumakain ako.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngiting-ngiti siya na animo'y excited sa gagawin namin ngayong araw.

"Oo. Pagkatapos kong kumain ngayon, tuloy tayo.."

Tumikhim siya upang pigilan ang pag-alpas ng mas dumoble pang saya. Kulang na lang ay subuan na niya ako para matapos agad ako sa ginagawa.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag sa gustong mangyari ni Stefan kagabi. Ayaw kong sunduin niya ako dahil may mahalaga akong gagawin ngayon kasama si Edna. Ano 'yon? Ang magluto.

Ilang linggo na akong nag-aaral magluto kasama siya sa tuwing may oras pa ako pag-uwi. Kahapon, mas mahaba ang oras namin dahil alas tres pa lang ng hapon ay nasa bahay na ako. Mabuti na nga lang hindi ko nasabi kay Stefan ang maaga kong uwi dahil siguradong susunduin niya ako.

"Ano pong gusto ninyong lutuin ngayon? May na-search na po ba kayo sa internet?" tanong ni Edna.

Hindi ko talaga alam kung bakit sobrang saya niya sa tuwing magkausap kaming dalawa. Kung alam n'yo lang kung gaano kalawak ang ngiti sa kanyang labi noong unang beses ko siyang kinausap tungkol sa kagustuhan kong matuto magluto, talagang magdududa kayo.

"Gusto ko ng Bicol Express. Aalis din ako before lunch. Sa tingin mo hindi 'yon matagal lutuin?"

Tinanaw niya ang malaking orasan na nasa living area. "Maaga pa naman po, ma'am. Babaunin n'yo rin po ba 'yon?"

"Oo."

"Marami po ba para mabigyan n'yo rin ang mga ka-trabaho n'yo?"

Hindi ako nakaimik dahil nagtalo ang isip ko para sa sagot. Tumitig sa akin si Edna kaya mas lalo akong hindi mapakali. Ngumisi siya kaya napainom ako ng tubig.

"Oo nga pala! Sunday ngayon kaya wala kang pasok. Kung gano'n, may kasama kang mag-lunch, ma'am?"

Hindi na naman ako nakasagot. Puwede bang huwag na siyang magtanong at gawin na lang niya ang mga dapat gawin?

"Kung may kasama ka na mag-lunch, siguradong sagot na niya 'yon! Dessert na lang po kaya ang gawin natin para balanse?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Mas lalo namang lumapad ang ngisi ni Edna na para bang napinta na niya sa utak niya ang mga mangyayari sa akin mamaya kasama ang tinutukoy niyang kasama ko mag-lunch.

"Ano, ma'am? Dessert na lang po?"

"Hindi ako marunong gumawa ng dessert—"

"Kaya nga po nandito ako, 'di ba? Tuturuan ko po kayo!"

Iyon nga ang nangyari pagkatapos kong kumain ng umagahan. Gumawa kami ng isang chocolate lasagna nang hindi ito bine-bake. Mahaba ang pasensya ni Edna pero dahil may hinahabol kaming oras, tumulong na siya sa akin para mas mabilis kaming matapos.

Patapos na kami sa ginagawa nang tumunog ang cellphone ko. Nasa countertop lang ito kaya agad kong nasilip kung sino ang tumatawag. Nang makita ang pangalan ni Stefan ay agad akong naghugas ng kamay. Napansin ni Edna ang pagmamadali ko kaya napangiti siya.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now