Kabanata 6

5.5K 228 13
                                    

STEFAN

MATAGAL NA akong nahihiwagaan kung bakit sa likod ng maamo at mala-anghel niyang mukha ay nagkukubli roon ang lungkot at dilim. Upang hindi magtagal sa isip ko ang hiwagang 'yon, kinumbinsi ko ang aking sarili na baka gano'n talaga siya dahil sa kanyang trabaho. Maybe she's just dedicated and serious when it comes to work. Their job is not easy after all. Hindi madaling isaalang-alang ang sariling buhay para sa nakararami.

Pero ngayon, hindi ko na alam. Ang lungkot at dilim na naninirahan sa kanya ay may halong galit. There's an anger underneath her pain. Sa sobrang galit, masakit. Sa sobrang galit, pilit niya itong tinatago dahil anumang oras ay maaari itong sumabog na posibleng ikapahamak niya rin.

Suddenly, I don't want that to happen. Ayaw kong mapaso siya sa sarili niyang apoy. I want to protect her from herself. If possible, I want to get rid all the anger in her heart. Gusto kong puksain 'yon upang pakawalan siya. Gusto kong tunawin 'yon upang masilayan ang ngiti sa mga labi niya.

"Umalis ka na! Tumakbo ka na!" sigaw ko sa magnanakaw.

Matalim ang tingin sa akin ni Raffi ngunit sa huli'y wala rin siyang nagawa kundi pagmasdan ang lalaki habang tumatakbo palayo.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya sa napakalamig na boses.

"Let me go first," tugon ko.

Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago nagpasyang tanggalin ang tali sa katawan ko. Nang tuluyang makawala ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin ng lalaki kanina na para bang gusto niyang baliin ang mga buto ko.

Nakamasid lang sa akin si Raffi habang binabawi ko ang aking lakas upang tumayo nang maayos. Ilang segundo namalagi ang katahimikan hanggang sa nagpasya akong basagin 'yon.

"Hindi siya rebelde, Raffi. Ayaw kong makapatay ka ng isang inosenteng tao kaya tama lang na pakawalan siya."

"Hindi pa rin sapat na dahilan 'yon upang pakawalan siya. Sinaktan ka pa rin niya!"

Nilahad ko ang aking kamay sa paligid. "Look. I'm fine! Tinali lang naman niya ako sa puno at ninakawan ng pera. Ni hindi nga ako nasugatan kaya hindi ka dapat mangamba."

"Magnanakaw siya, Stefan. Sana naisip mo manlang na ipakulong siya! Paano kung gawin din niya sa iba ang ginawa niya sa 'yo? Hindi ka nag-iisip!"

Imbes na mainis ay mas lalo akong nahabag para sa kanya. Hindi ko nakikita ang pagiging concern niya dahil mas nangingibabaw ang guilt. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa akin.

Upang hindi na humaba pa ang away, tumango na lang ako. "I'm sorry. Balik na tayo.."

Tinalikuran niya ako at nanguna sa paglalakad. Tahimik naman akong sumunod sa kanya.

"Ma'am Raffi! Stefan!" bungad ng mga co-teachers ko nang makita kami.

Tumakbo si Lilian palapit sa akin upang suriin ako. Naglakbay ang kamay niya mula mukha hanggang braso ko, tila naghahanap ng sugat o pasa na maaaring natamo ko.

"Bakit ang dumi ng damit mo? Ano'ng nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

Magsasalita sana si Raffi ngunit inunahan ko siya. "Naligaw ako, eh."

"Sabi ko kasi sa 'yo hintayin mo na lang si Ma'am Raffi!" wika ni Andres na ngayo'y pinatutuyo ng towel ang kanyang buhok.

Hindi na lang ako nagsalita. Binalingan ko ng tingin si Raffi na ngayo'y seryosong nakikipag-usap kay Tessa. Hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata niya hanggang ngayon. Nararamdaman ko na nga ang takot kay Tessa habang kausap siya nito. Siguradong nahalata niya rin na mas dumoble ang lamig at dilim sa mukha ni Raffi.

Stars On Her ShoulderWo Geschichten leben. Entdecke jetzt