Kabanata 15

3.9K 185 14
                                    

RAFFIELLA

UMAGA PA lang, sira na ang araw ko. Bakit? Iniiwasan lang naman ako ni Stefan. Para saan kaya niya ito ginagawa? Sa girlfriend niya? Bakit, nagseselos ba? Tss. Wala silang dapat ipangamba dahil hindi ko naman sisirain ang relasyon nila.

Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na magustuhan ang tulad ni Stefan. Bukod sa nakakaasar ang ugali niya, alam kong walang patutunguhan ang makipagrelasyon sa kanya, lalo na kung isang tulad ko ang makatutuluyan niya.

Hindi kami puwede gaya nina Adlaw at Bulan. Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Kapag nagsama kami, hindi kami magkakaintindihan. Hindi magiging normal ang relasyon namin hangga't may tungkuling nakapatong sa aking balikat. Ang mga tulad ko'y walang karapatan gumambala sa nararamdaman ng kahit na sino, dahil wala itong saysay kung sa bawat digmaang kahaharapin namin ay walang kasiguraduhan ang kaligtasan.

Masasaktan lang namin ang mga taong maiiwan namin para sa tungkuling ito.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako umamin kay Leo noon. Bakit ko sasabihin sa kanyang mahal ko rin siya kung walang kasiguraduhan ang lahat? Maduduwag lang kami lalo humarap sa mga kalaban dahil sa pagmamahal na ito.

Ngunit nakatatawa dahil kahit gano'n ako mag-isip, hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong mahalin siya kahit patago. Ginawa kong sandata ang pagmamahal na iyon para manalo sa bawat laban na kahaharapin ko. Siguro dahil alam kong gano'n din siya. Ang pagmamahal niya sa akin ang ginawa niyang sandata para gawin ang lahat upang mapagtagumpayan ang mga digmaang nasa harap naming dalawa.

Magkaiba nga lang kami kung paano ipabatid sa isa't isa ang pagmamahal. Walang pag-aalinlangan niyang sinabi sa akin ang nararamdaman niya. Hindi manlang siya nagdalawang-isip itago ito.

Iyon ang hindi ko maintindihan. Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan kung bakit pinaramdam pa rin niya sa akin ng buong puso ang pagmamahal kung alam niya sa sariling walang kasiguraduhan ang lahat. Sundalo rin siya at sa mundo namin, walang tiyak na kaligtasan. Ang mga taong mamahalin namin at mamahalin kami ay maiiwan din namin kalaunan.

"Sana nagustuhan n'yo ang regalo ko sa inyo," rinig kong sambit ni Mandy pagkatapos mamigay ng libreng tablet sa mga bata.

Abot-langit ang ngiti ng mga bata habang pinaglalaruan ang gadget. Pilit na ngiti naman ang pinakita ng mga volunteer teachers, tila hindi nagustuhan ang ginawa ng kanilang bisita.

"Makatutulong sa inyo 'yan sa pag-aaral n'yo. Don't worry, we will teach you how to use your tablet later," wika pa ni Mandy.

Naghiyawan sa tuwa ang mga bata. Nakita ko ang pag-iling ni Stefan habang nakatitig sa girlfriend na nasa harap.

Sa kanilang lahat, si Stefan lang ang hindi ko nakitaan ng ngiti sa nangyayari. Ni pilit na ngiti ay hindi niya ginawa. Talagang gusto niya malaman ni Mandy na hindi siya natutuwa sa ginagawa nito sa mga bata.

Kung hindi ka natutuwa, bakit ayaw mong pigilan, Stefan? Para hindi kayo mag-away? Ayaw mong masaktan ang feelings ng girlfriend mo, gano'n ba?

"Yayamanin pala 'tong girlfriend ni Stefan!" bulong ni Billie na may kasama pang paniniko sa aking tagiliran. "Ano kayang trabaho niya sa Maynila? At paano kaya sila nagkakilala, 'no?"

"Tanungin mo," walang gana kong sinabi.

"Hmm, sige tatanungin ko si Stefan mamaya. Niyaya niya ako makisalo mamaya sa lunch nila, eh."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Niyaya ka niya mag lunch kasama sila?"

Tumango siya. "Oo. Hindi ka ba niya niyaya?"

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now