Kabanata 8

4.5K 216 4
                                    

STEFAN

HINDI AKO marunong sumuko. Sa kahit anong bagay, basta ginusto ko at may pagkakataon, hindi ko 'yon sinusukuan. Bakit ako susuko sa isang bagay na posible ko naman makuha? Nagagawa nga ng iba, bakit ako hindi? Parehas naman kami ng hangin na hinihingahan. Parehas naman kami ng planetang tinitirahan. Parehas naman kaming tao. Kaya ano ang kaya nilang gawin na hindi ko kaya?

"Paano ko magagawang kaibiganin ang taong walang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay ko?"

There.

For the first time in my existence, nayanig ang pinaniniwalaan ko. Baka nga hindi lahat ng bagay ay kaya kong makuha. Baka isa sa imposibleng bagay sa mundong ito ang makapasok sa buhay ni Raffi. Hindi lang naman ako ang nakararanas no'n dahil nakikita kong gano'n din ang trato niya kay Billie. Kung gusto talaga namin makapasok sa buhay niya, kailangan naming dumaan sa napakaraming pagsubok. Hindi 'yon ordinaryong pagsubok dahil para lamang 'yon sa mga taong tunay na may malinis na hangarin sa kanya.

Ngunit ngayon, napagtanto kong nakapasok na pala ako sa buhay niya.

Kung noon ay iniisip kong dilim at lungkot na hinaluan ng galit lang ang nagkukubli sa ganda ng kanyang mukha, nagkakamali ako. Nakita ko rin sa mga mata niya ang matinding hinagpis na pilit niyang tinutunaw. Kinakalaban lang siya ng matinding takot dahil sa loob-loob niya, hindi rin niya kayang pakawalan ito. Natatakot siya na baka kapag nawala ang hinagpis, malimutan niya rin ang dahilan nito.

"Raffi.." sambit ko sa malumanay at mahinang boses.

"Kung gusto mo akong pagtripan, huwag ganito, Stefan!" sigaw niya.

Hindi ako nagsalita. Lumapit lang ako sa kanya upang yakapin siya nang mahigpit. Naramdaman ko ang gulat habang hinihingal siya sa galit. Sana sa paraan na ito'y matulungan ko siyang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Sana maramdaman niya na sa mundong ito, hindi siya nag-iisa.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya.

"I'm sorry, Raffi." Pinakawalan ko siya mula sa yakap upang harapin siya. Umatras ako upang bigyan siya ng kaunting distansya. "Promise, hinding-hindi na ako aalis nang hindi mo nalalaman."

Kumurap ang mga mata niya, tila hindi makapaniwala sa narinig. Ngumiti ako bago inangat ang plastic bag upang ipakita sa kanya.

"Namili lang ako ng mga kulang sa school supplies namin. Kanina pa ako tapos kaya lang kumain pa ako at wala rin akong masakyan kaya hindi agad ako nakabalik. Sorry.."

Huminga siya nang malalim at pumikit nang mariin, pinakakalma ang sarili. Ginala rin niya ang mata sa paligid, tila naghahanap ng jeep.

Kumunot ang noo ko. Hindi ba siya naniniwala sa akin?

"Narinig ko sa bayan kanina ang nalalapit na pista rito kaya maraming umarkila ng jeep para sa paghahanda," paliwanag ko.

Sandali siyang tumitig sa akin bago tumango. Nagulat ako nang bigla niya akong talikuran upang maglakad papunta sa kanyang sasakyan.

"Raffi, sandali!" Tumakbo ako at sumakay na rin sa loob. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan at tahimik na nagmaneho.

"Bakit ka lumabas ng baryo Ilat? Hindi mo ba puwedeng bilhin ang mga kailangan mo sa mga tindahan na nandoon?" seryosong tanong niya.

Umiling ako. "Walang school supplies doon. Basic needs lang ang tinitinda nila."

"Bakit hindi ka nagpasama kay Billie? O kahit kay Alarcon na lang."

Tumawa ako. "Hindi na ako bata, Miss Soldier. Kaya ko ang sarili ko. At isa pa, hindi naman pala mahirap ang mag commute dahil friendly ang mga tao rito. May tumulong nga sa akin kanina na matanda para makarating sa bayan ng San Jose."

Stars On Her Shoulderजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें