Kabanata 4

6.4K 238 39
                                    

STEFAN

KAHIT HINDI ako nakatulog nang maayos kagabi ay sinikap ko pa rin ituon ang atensyon sa trabaho. Ako ang assistant ni Lilian ngayon sa pagtuturo. Nagbigay siya ng activity kaya nasa tabi ako ng mga bata upang mag assist.

"K-Kuya.." Nilingon ko ang batang kumalabit sa akin. Hawak niya ang papel at lapis. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano siya nahihirapan sa isang bagay na hindi ko alam. "H-Hindi po ako marunong m-magsulat.."

Ngumiti ako bago siya hinila upang tumabi sa akin kasama ang iba pang bata. Hindi lang siya ang batang hindi marunong magsulat kaya medyo mabagal ang takbo ng lessons namin. Talagang nag-umpisa kami sa pagsusulat ng letters.

"Hawakan mo ang iyong lapis," sabi ko na agad naman niyang sinunod. Maluwag ang hawak niya kaya hinawakan ko ang kanyang kamay upang diinin 'yon at alalayan siya. "G... O... R... I...O. Ganyan isulat ang pangalan mo."

Ngumiti naman siya. Binitawan ko ang kamay niya at hinayaan siyang isulat ang pangalan mag-isa. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa matapos. Pinakita niya ito sa akin kahit nahihiya dahil malayong-malayo ang itsura nito sa ginawa namin. Hindi kasi masyadong klaro ang pagkakasulat niya ng bawat letra.

Nag-thumbs up ako sa kanya. "Ganyan nga! Very good!"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya hanggang sa inulit niya ang pagsusulat ng pangalan sa papel.

Gaya ng ginawa ko kay Gorio, inalalayan ko rin ang iba pang bata na isulat ang kanilang pangalan. Tumulong na rin si Lilian dahil pinagkakaguluhan na ako ng mga bata.

Ilang sandali pa'y biglang may dumating na armored vehicle. Napatingin ako kay Raffi na agad lumapit doon upang salubungin na naman ang lalaking nagbigay sa kanya ng pansit kahapon. Hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko sa kanila lalo na nang sumakay si Raffi sa loob ng sasakyan.

Napatayo ako at akmang hahakbang upang sundan sila ngunit natigilan ako nang mapagtantong hindi ko sila kayang habulin. Wala tuloy ako nagawa kundi pagmasdan sila hanggang sa makalayo.

Isang kamay ang naramdaman kong humawak sa akin kaya agad akong dumungaw. Nakita ko si Gorio na nakakunot ang noo bago sumulyap sa nakalayong armored vehicle.

"May problema po ba, kuya?" tanong niya.

Napatingin na rin sa akin si Lilian dahil sa narinig. Nakakunot ang noo niya, tila nagtataka kung bakit ako nakatayo.

Hinaplos ko ang likod ni Gorio bago umupo sa tabi niya. Ch-in-eck ko na lang ang gawa niya at binigyan siya ng papuri dahil napuno niya ang isang papel na puro pangalan niya, at habang bumababa ang tingin ko, mas nag i-improve ang sulat niya.

Ginawa ko ang lahat upang mabura sa isipan ko ang pag-alis ni Raffi kasama ang leader niya, ngunit kahit ano'ng gawin ko'y hindi ko 'yon magawa.

Ewan ko ba. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya hindi tinanggap ang pagkaing binigay ko samantalang nagawa niyang tanggapin nang walang pag-aalinlangan ang bigay ng leader niya ay naiinis ako.

Nakaka-offend lang. Nagmamalasakit lang naman ako tapos gano'n ang ginawa niya? Pakiramdam ko tuloy totoo ang inis niya sa akin. Pero bakit? Wala naman akong ginagawa sa kanya. Bakit siya naiinis? Dahil ba inaasar ko siya? Imposible naman 'yon! For sure hindi lang naman ako ang taong mapang-asar na nakilala niya.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kahit maaga kami nakauwi dahil sa curfew, hindi ko nagawang makatulog nang mahimbing. Paulit-ulit kong iniisip kung bakit ang sungit at ang lamig ng trato niya sa akin. Kung tingnan niya ako ay parang ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.

Stars On Her ShoulderOnde histórias criam vida. Descubra agora