Kabanata 40

3K 112 3
                                    

STEFAN

MABILIS ANG pagdaan ng mga oras, araw, at linggo sa amin ni Raffi. Ngunit kahit ganoon, bihira lang kami magkita. Madalas siyang nagse-stay sa headquarters at Malacañang, samantalang nasa Cavite naman ako upang magtrabaho.

Sa loob ng isang linggo, swerte na kung magkita kami ng dalawang beses. Nangyayari lang 'yon kapag walang event dito sa resort dahil maaga ako nakababalik ng Maynila para sunduin siya sa trabaho at ihatid sa kanila.

Yes, sinabi na rin niya sa akin kung saan sila nakatira pero mahigpit ang utos niya na huwag akong pupunta roon nang hindi niya nalalaman. Ayaw ko rin naman talaga pumunta roon nang pa-surpresa dahil alam kong nandoon ang daddy niya. Sigurado ako na kapag nakita ko siya, maaalala ko lang ang mga sinabi sa akin ni Papa.

Speaking of that, hindi ko pa nakakausap si Raffi tungkol sa mga sinabi sa akin ni Papa. Hanggang ngayo'y wala pa rin siyang alam tungkol sa involvement ni Brigadier General Rowan Española sa kaso ni Rene. Hindi rin niya alam na alam ko na may alam siya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya nang maayos kung sino si Tatay Andoy. Wala pa siyang alam sa mga plano ko. Wala pa akong nasasabi sa kanya simula nang magkita ulit kami.

Hindi ang kakulangan sa oras ang rason kung bakit hanggang ngayo'y hindi ko pa rin masabi sa kanya ang mga 'yon. 

Simula nang ligawan ko si Raffi, mas lalo ko pa siyang nakilala. Hindi lang siya, pati na rin ang pamilya niya. Tuwing kinukuwento niya sa akin kung gaano kataas ang tingin niya sa kanyang ama ay umuurong ang dila kong magsalita. Wala akong magawa kundi pagmasdan siya at makinig sa mga kuwento niya kung gaano ka-dakila ang tatay niya pagdating sa trabaho. Kung gaano ito ka-tapat sa kanyang tungkulin bilang isang sundalo.

Hindi lang 'yon. Maging ang tatay ko, kinukuwento niya rin sa akin. Sinabi niya ang mga achievements nito na alam ko naman. Binanggit din niya kung gaano kaganda ang reputasyon ng tatay ko bilang sundalo.

Sa tuwing naririnig ko 'yon, mas lalo akong nasasaktan at nahuhulog sa kanya. Ayaw niyang malaman ko ang baho ng aking ama kaya puro magagandang bagay lang ang sinasabi niya. She wants me to look at my father with only adoration and respect. Alam kong hindi niya ito gusto pero willing siyang gawin ang lahat para hindi ako masaktan.

It hurts but I understand. She's covering my father but I understand. Hindi 'yon naging kabawasan sa pagmamahal ko sa kanya. Mas naiintindihan ko pa nga kung bakit niya ito ginagawa kaya mas lalo akong humahanga. I trust her so much na ang nasa isip ko na lang ay ginagawa niya ito dahil ayaw niya akong masaktan. She cared for me at matagal ko nang tinanggap na iba ang paraan niya sa pag-aalaga kumpara sa akin.

I am not like her. To tell you the truth, hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya. If this is her way to protect me from pain, mine is different. I need to tell her the truth to protect her properly. I want to protect her in a right way.

Pero hindi 'yon madali. Ito ang rason kung bakit hindi ko masabi-sabi sa kanya ang mga nalalaman ko. Naghahanap pa ako ng tiyempo. Kailangan ko pa ng mas maraming lakas ng loob.

"Sir?" Nag-angat ako ng tingin kay Miss Patrice. Nasa labas siya ng opisina ko at nakasilip sa pinto, nag-aalangan pumasok. "Nandito po ulit si Miss Alondra⁠—"

Dumaing ako sa iritasyon. "Where is she?"

"Nasa lobby po."

"Tell her to leave. I'm busy!"

Ngumiwi si Miss Patrice bago tumingin sa lamesa kong laptop lang ang naroon. "M-Mukhang may gusto yatang sabihin⁠—"

"Ask her."

"Po?"

"Ikaw na lang ang magsabi sa akin ng sasabihin niya."

"Pero, sir..." Tumitig ako sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumango kahit problemado na. "Sige, sasabihin ko na lang po na busy ka.."

Stars On Her ShoulderDonde viven las historias. Descúbrelo ahora