Kabanata 2

7.5K 317 13
                                    

STEFAN

DALAWANG SUNDALO ang agad na lumapit sa akin pagbaba ko sa sasakyan. May hawak silang mahahabang de-kalibre ng baril. Kung ordinaryong sibilyan ako ay baka katakutan ko ang mga baril na 'yon, ngunit dahil lumaki akong may sundalo sa pamilya, pakiramdam ko'y sanay na ako.

"Ano'ng sadya n'yo rito, sir?" tanong ng isa.

Inayos ko ang bitbit sa aking bag pack. "Good morning mga sir! Volunteer teacher po ako rito. Alam n'yo po ba kung nasaan ang ibang mga teachers?"

"Patingin kami ng ID mo, sir."

Kumunot ang noo ko. Hindi ba sila naniniwala sa akin? At nagpakita na ako ng ID sa checkpoint kanina, ah? Hindi ba na-radyo ng mga sundalo roon ang pagdating ko rito?

"Sir, pasensya na. Protocol lang. Bakit kasi hindi kayo nagsabay-sabay magpunta rito?" wika ng sundalong kalbo nang mapansin ang pananahimik ko.

Imbes na sumagot, kinuha ko na lang ang aking ID at binigay sa kanila. Ayaw ko ng gulo. At isa pa, pinagtitinginan na rin ako ng mga residenteng napapadaan. Hindi naman yata tamang mag eskandalo ang isang volunteer teacher, 'di ba?

Pagbalik nila sa akin ng ID ay agad ko itong tinago sa bulsa. Sunod nilang sinulypan ay ang aking sasakyan.

"Sir, mananatili kayo rito ng matagal kaya delikado rito ang sasakyan n'yo. Mas mabuti kung ipa-park n'yo 'yan sa headquarters namin sa San Rafael. Sasamahan namin kayo pumunta ro'n."

Hinawakan ko ang bubong ng aking sasakyan. "Okay lang, sir. Dito na lang 'to. Promise, hindi ito makakaabala sa inyo."

Kumunot ang noo ng sundalong kalbo bago ako tiningnan ng diretso sa mata. "Sir, ang lugar na ito ay kasama sa danger zone. Maaaring nakawin ang sasakyan mo at gamitin sa masamang gawain. O kung mamalasin, kapag nagkaroon ng engkuwentro rito, maaaring mapuruhan ang sasakyan mo."

"At isa pa sir, nakikita n'yo naman po na walang ibang sasakyan na naka-park dito kundi mga armored vehicle lang," dagdag pa ng kasama niya.

Bumuka ang bibig ko para sa aking rebuttal ngunit nang mapansin ang pagdami ng mga residente na nakiki-tsismis, umayos ako ng tayo at hinarap nang maayos ang mga sundalo.

"Fine. Rules are rules.."

Pumasok ulit ako sa loob ng sasakyan. Nakita ko naman ang sundalong kalbo na sumakay sa motor.

"Sir, sundan n'yo lang po ang motor na 'yon," bilin ng sundalong nakasilip ngayon sa nakabukas kong bintana.

Tumango lang ako bago sinara ang bintana. Nang umandar ang motor ay pinaandar ko na rin ang aking sasakyan.

Dahil walang traffic, mabilis kaming nakarating sa tinutukoy nilang bayan ng San Rafael. Kumpara sa San Jose, mas malago ang bayang ito. May mga magagarang sasakyan din akong nakikita sa daan. Mas maraming tao rito dahil mas maraming pamilihan. May nakita nga akong isang maliit na mall sa 'di kalayuan. Hindi ako naging curious sa lugar na ito kahit kailan kaya ang alam ko lang ay mataas daw ang cost of living dito kumpara sa ibang lugar sa Elena.

Pagdating sa kampo ng mga sundalo, agad akong bumaba ng sasakyan. Iginiya ako ng sundalong kalbo papunta sa isang opisina kung saan doon daw ako mag fi-fill up ng form. Identification card lang naman ang ni-require kaya mabilis lang ang procedure.

Inalalayan na rin ako ng sundalong kalbo na kuhain ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan. Ang sabi nila'y hangga't maaari, walang matitira na gamit sa loob. Sa totoo lang ay napaka-hassle nito pero wala akong choice kundi sumunod. Hindi ko lang siguro in-expect na ganito karami ang rules nila upang mapaigtig ang seguridad ng lugar na ito. Well, tama naman 'yon.

Stars On Her ShoulderWhere stories live. Discover now