Kabanata 10

4.5K 187 6
                                    

STEFAN

SUNDALO ANG tatay ko ngunit kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita sa isang engkwentro. Kinu-kuwento lang niya sa akin kung ano ang naging karanasan niya habang nakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga kaaway. 

Dahil doon ay napaisip ako kung ano kaya ang nararamdaman nila kapag nakapatay o nakakakita sila ng patay sa kalagitnaan ng gyera. Satisfaction? Hurt? Guilt? Determination? Hindi ko alam. Ngunit sa pananaw ng isang sibilyan, siguradong takot ang unang mangingibabaw.

Takot ang nakita ko sa mga taong nakasaksi sa ginawa ni Raffi. In a crowded place, she fired her gun without hesitation. Nakita ko kung paano naghalo ang iba't ibang emosyon sa mga mata ni Raffi. Hindi ko 'yon mawari. Hindi ko maintindihan. Nagsisisi ba siya? Natatakot? Nagagalit?

"Sorry na, Raffi.." sambit ni Billie habang nasa loob kami ng mas malaking armored vehicle. "Sinamahan ko lang si Stefan na bumili ng mga prutas sa palengke. Hindi naman namin alam na doon pala nagaganap 'yong gulo. Sorry na talaga..."

Kanina pa nagsasalita si Billie ngunit sa akin nakatuon ang atensyon ni Raffi. Nakatitig siya sa akin, tila binabasa ang bawat galaw ko. Ramdam kong gusto niya magtanong ngunit hindi niya magawa. Hindi ko alam kung dahil gusto na lang niyang kalimutan ko ang nangyari o wala siyang pakialam.

Panay ang sorry ni Billie hanggang sa makarating kami sa baryo Ilat. Paglabas ko ng sasakyan ay nilapitan ko agad ang aking mga kasama na nagtatawanan sa lamesa. Tapos na ang klase kaya nagpapahinga na lang sila.

"O ano, Stefan? Nakabili ka ba ng prutas?" tanong ni Tessa.

Umiling lang ako. Nakita ko ang pagkunot ng noo nina Lilian at Andres bago tingnan ang aking mga kamay. Nag expect yata sila na dapat may hawak ako na isang plastic ng prutas.

"Bakit hindi ka nakabili? Kinulang ka ba sa pera? Dadagdagan ko 'yan kung kailangan," si Andres.

Umiling ulit ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nangyari sa palengke. Kapag sinabi ko ang nangyaring gulo, mas dadami ang kanilang tanong. Ayaw kong malaman nila ang detalye dahil baka mataranta lang sila. Baka maisipan pa nilang umatras sa pagtuturo rito sa Elena dahil nagpaparamdam na ulit ang mga rebelde.

"Pansalamantalang sinarado ang palengke kaya hindi siya nakabili ng prutas," Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran ko nang magsalita si Raffi. Nagtama ang mata namin at pakiramdam ko napaso ako roon dahil sa nag-aalab na galit. "Puwede ba tayo mag-usap, Stefan?"

Tumango ako. Hinarap ko muna ang aking mga kasama upang magpaalam bago sumunod kay Raffi na ngayo'y naglalakad patungo sa ilalim ng puno. Pansin ko na lagi niya akong kinakausap dito. Favorite place niya kaya ito?

Tumigil kami sa paglalakad. Magkaharap na kami ngayon ngunit malaki ang distansya sa pagitan namin. Kung titingnan, kasya ang dalawang tao sa distansyang ito.

"I'm sorry," aniya dahilan upang matutop ako sa kinatatayuan. Ang galit sa mga mata niya'y may halo ng pangamba ngayon. Bakit ba kasi siya nagagalit? "Hindi mo dapat nakita 'yon. Sa katanuyan, hindi ninyo dapat nakita 'yon. Walang sibilyan ang dapat makakita no'n."

Madiin ang pagkakasabi niya ng "ninyo". Sigurado akong tinutukoy niya ang mga taong nasa palengke na nakasaksi rin sa ginawa nilang pamamaril.

"Pinasara na muna namin ang palengke dahil sa nangyari. Hindi na rin matutuloy ang selebrasyon ng pista sa San Jose. Sabihan mo na lang ang mga kasama mo," utos niya sa isang matigas na boses na pilit kinakalma.

Nalungkot ako para kina Mac, Elias, at Tessa. Mga taga Elena sila kaya alam kong nakasanayan na nila ang pagdalo sa pista taon-taon. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin sa kanila na hindi nila maipagdidiriwang iyon ngayong taon.

Stars On Her ShoulderDonde viven las historias. Descúbrelo ahora