Kabanata 30

3K 122 1
                                    

STEFAN

NAGISING AKO nang maramdaman ang haplos ng kung sinuman sa mukha ko. Agad akong umayos ng upo nang makita si Mama na nakangiti at mapupungay ang mga mata habang nakatitig sa akin. Mas lumapit pa ako sa kanya upang haplusin ang kanyang buhok.

"May kailangan po ba kayo?" tanong ko sabay tingin sa aking relo.

Alas dos na ng madaling-araw. Ang sabi ko kanina'y iidlip lang ako pero napahaba ang tulog ko. Hindi tuloy ako nakakain ng hapunan. Well, hindi naman ako nakaramdam ng gutom. Nalipasan na.

Umiling si Mama. "Sleep on the couch, son. Hindi ako kumportableng ganyan ang ayos mo.."

Nakaupo kasi ako sa monobloc chair habang nakapatong ang mga braso sa gilid ng kanyang kama bilang unan. Nagpasya akong matulog sa ganoong posisyon para mas mabantayan ko si Mama.

"I'm fine, Mama. Are you sure you don't need anything? Food? Water?"

Mahinang tumawa si Mama. "I'm fine. Ituloy mo na ang tulog mo roon sa sofa. Hindi ka makatutulog nang maayos sa ganyan."

Umayos ako ng upo at marahang hinaplos ang kanyang kamay. "Okay lang ako rito, Ma. I'll take care of you while you're asleep."

"It's been two weeks, Stefan. Hindi ka pa nakatutulog nang maayos simula nang dumating ka rito sa Maynila."

Hindi ako nagsalita. Yes, dalawang linggo na ang nakararaan simula nang umalis ako sa Elena. Dumiretso agad ako sa ospital kasama si Mandy pagdating ko rito. I can still remember the pang of pain in my chest the moment I saw Mama, very unconscious on her bed. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya habang sinusuri ng isang nurse ang kanyang kundisyon.

I didn't saw Papa that time. Ang mommy lang ni Mandy ang nasa tabi ni Mama. She cried when she saw me with Mandy. Paulit-ulit niya ring sinasabi sa akin ang nangyari kay Mama. Nanikip daw ang dibdib nito nang malaman ang mangyayari sa Elena. Inatake siya sa sobrang pag-aalala sa akin.

Hindi na ako umalis sa tabi niya simula no'n. Umuuwi lang ako sa bahay para magpalit ng damit tapos babalik din agad sa ospital. Ilang araw akong lugmok kaya nang magising si Mama isang umaga ay labis ang tuwang naramdaman ko. Mandy was with me those days. Naging madalang na lang ang pagbisita niya nang magising si Mama.

And those days, Papa is absent. I didn't saw him for two consecutive weeks. Sabi ng mga kasambahay, nasa trabaho raw ito. Ayaw kong magalit sa kanya pero hindi ko mapigilan. If she truly cares for Mama, sana manlang pumunta siya rito. Hindi ko nga alam kung alam niyang gising na si Mama.

"You don't need to worry about me. Malakas na ako. Puwede ko na nga i-request na umuwi na at doon na lang ipagpatuloy ang pagpapahinga."

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya. "No. Hindi tayo uuwi hangga't hindi mismo ang doktor ang magdeklara na puwede ka na umuwi."

"But—"

"Mama, please. This is for your own good, and for my peace of my mind."

Tumawa siya. "You sounds like your father, Stefan."

Umiwas lang ako ng tingin. Sure, I sounds like him but I will never act like him.

"Are you still mad at him?" tanong niya sa isang malambing na boses.

Ayaw kong sabihin ang totoo at ayaw ko rin namang magsinungaling kaya hindi na lang ako nagsalita. Mahina pa si Mama kaya ayaw kong isama pa niya ako sa mga alalahanin niya. This is about me and Papa alone. I don't want her to interfere.

Bumuntong-hininga si Mama bago bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya para siya ang humawak sa kamay ko. Her gentle hands feels like home. I miss her so much.

Stars On Her Shoulderजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें