Chapter 04

631 50 1
                                    

**********oo**********

Alas Sais ng Hapon

"Kung sinuman sa ating walo ang makakita ng pagkislap ng isa sa mga bunga ng kalamansi," ani ni Yuri,"Tumakbo kaagad ng mabilis, para ang matira ay pumunta na sa puno ng niyog, ang dalawa naman sa amin ay susunod sa napili,"

"Ok, magandang suhestiyon iyan,"ani ni Khael,"Para makapunta na din kami sa puno,"

"Mag iingat tayong lahat," ani ni Sister Janelle,"Magdasal muna tayo," dagdag pa nito

Kaya nagsipaglapitan silang lahat sa Madre para magdasal

Habang nagdadasal naman sila ay nakadinig na kaagad sila ng huni ng tiktik at wakwak

"Ang aga niyo naman magparamdam!," ani ni Bryan,"Buti pa kayo nagpaparamdam at nararamdaman, pano naman iyong iba dito na manhid?," hugot pa nito na ikinangisi ng lahat

"Nagihing hugutero kana Bryan ah," ani ni Yuri kaya nagtawanan nalang sila,"Trina, sagutin muna kasi si Bryan,"

"Paano sasagutin?," tanong na nakairap ni Trina,"Ni hinsi nga nanliligaw at nagtatapat eh,"

"Ayon oh," pang aasar ni Kevin,"Nagkaaminan na, kaya Bryan pag uwi natin magtapat at manligaw kana,"

Napapakamot nalang sa ulo si Bryan kaya lalo pa nila iyong inaasar, iniligpit na nila ang sapin, inilagay sa mga basket na kanilang dala pati ang ilang gamit

Isinukbit na nila ang mga bag nila na may laman ng mga panlaban sa mga aswang

Inihanda na din nila ang mga sandata para kapag umatake ang mga aswang ay nakahanda na sila

Nag umpisa na silang maglakad papasok sa taniman ng kalamansi, nag ikot ikot muna sila para tignan ang mga iyon

Nang mapagod ay naupo malapit sa mga puno ng kalamansi

"Parang bayabas lang din pala ang puno ng kalamansi kapag lumaki," ani ni Kevin habang namomitas ng bunga na nasa tabi nito,"Kailangan natin ang mga ito,"

Tinignan lang ni Yuri ang ginagawa nito, isa iyong maliit na puno na parang kagaya sa kamatis, natumba na iyon dahil sa dami ng bunga na halos kasing laki ng bunga ng lansones

May mga dilaw n iyon na halatang nahinog dahil da tindi ng init

"Sayang walang asukal at malamig na tubig," dagdag pa nito, habang pinipiga ang mga nakuhang bunga sa isang lalagyan ng tubig

"Mag uwi ka nalang at sa bahay muna inumin," ani ni Aira sa kaibigan,"Ano bang gagawin mo sa mga iyan?,"

"Panlaban sa mga aswang," sagot nito matapos mapuno ang isang plastic na bote

Isinunod ang tatlo pang walang lamang tubig, halos naubos na nito ang bunga ng kalamansi na nasa tabi lang nito

Matapos mapuno ang halos apat na boteng plastik ay ibinigay nito kina Bryan at sa dalawang kaibigang babae ang tatlong bote

"Yan iwisik niyo sa mga aswang," sabi pa nito,"Khael na lang ang umakyat sa puno ng niyog, hindi kami marunong, kami nalang ang lalaban sa mga bantay,"

Napakunot ang noo ni Khael dahil sa sinabi ni Kevin

"Oo, kami nalang ang bahala sa mga iyon," segunda naman ni Bryan,"Basta bilisan mo lang,"

"Sige," pag sang ayon nito

**********

Habang abala naman sila sa pagsipat sa paligid

Abala din ang mga aswang na nakapaikot sa kanila at sa buong taniman

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now