Chapter 05

638 53 4
                                    


**********oo**********

Alas Dose ng Hating Gabi

Mas lalong lumalakas ang mga huni ng tiktik at iba't ibang uri ng mga aswang sa paligid ng magkakaibigan

Napakurap ng mata si Yuri ng may makita siyang kumintab sa di kalayuan at sa pinaka gitnang bahagi ng taniman ng kalamansi

"Tara na po Sister Janelle at Nena," sabay hila sa dalawa,"Pumunta na kayo sa aakyatin niyo,"

Nagtataka man ang lahat sa kinilos niya ay hindi na niya pinansin ang mga iyon,

Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kinakitaan niya ng pagkislap na iyon

Nakikita niya pa ang mahinang pagkinang ng bunga ng kalamansi

Sumunod naman kaagad ang dalawa at sina Khael naman ay tumakbo na papunta sa puno ng niyog para akyatin iyon

"Kung ganoon si Yuri ang napili?," tanong ni Aira habang tumatakbo sila papunta sa kabilang taniman kung nasaan ang puno ng niyog

"Oo," ani ni Khael,"Kaya niyo bang labanan ang mga bantay?,"

Nagkatinginan silang apat dahil sa tanong niya sa mga iyon

"Kung hindi niyo kaya," ani niya habang papalapait na sila sa gitnang bahagi ng niyugan,"Pumili nalang kayo kung sino ang aakyat at ako nalang ang lalaban sa mga bantay ng niyog,"

"Hindi," tanggi ni Kevin,"Ikaw na at hindi kami marunong, baka abutin lang tayo ng ala una ay hindi pa namin nakukuha iyon,"

"Tama si Kevin, Khael," pag sang ayon ni Bryan,"Kailangan bago mag ala una ng madaling araw ay hawak na natin ang niyog at ang  bunga ng kalamansi,"

"Sige," pag sang ayon niya

"Wag kang mag alala," ani ni Trina,"Kaya namin ang tatlong bantay, basta bilisan mo lang,"

Tumango lang si Khael, nasa tapat na sila ng puno ng niyog na aakyatin niya

"Nasa kanan nakatayo ang kapre," ani niya,"Nasa kaliwa ang tikbalang at nasa likuran ng puno ang tiyanak na napakarami,"

Nagtinginan ulet silamg apat dahil sa sinabi niya

"Kami na ang sa tiyanak," kuro na panabay na sabi nina Trina at Aira, kaya wala ng nagawa dalawa kundi ang harapin ang tikbalang at kapre

Nagtanguan nalang silang lima bago mabilis na kumilos si Khael paakyat sa puno ng niyog

Pero bago iyon ay hinadlangan at hinarang na kaagad siya ng kapre at tikbalang, tapos nagsunuran na ang napakaraming tiyanak na hindi bababa sa dalawampu o higit pa

Tinulungan naman kaagad nila Kevin at Bryan si Khael na harapin ang dalawang nilalang na iyon

"Umakyat kana!," taboy ni Kevin na siyang kaharap naman ang tikbalang

"Bilisan muna," ani pa ni Bryan,"Kami ng bahala dito,"

"Sige, mag iingat kayo," ani niya sa mga kaibigan niya, tumango naman ang apat kaya mabilis na kaagad siyang kumilos

Umakyat siya sa malaking katawan ng puno ng niyog habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan na nkikipaglaban sa bantay ng puno

Kailangan niyang bilisan para matulungan niya ang apat, luminga linga pa siya para mahanap sina Yuri kung nasaan na ang mga ito

Nag aalala din siya sa tatlo, pero alam niya na ligtas ang mga iyon dahil takot ang mga aswang sa kalamansi

**********

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon