Chapter 71

629 72 13
                                    

**********oo**********

Sa kinalalagyan nila Yuri

Nasa bungad na sila ng lagusan ng mga sandaling iyon, handa na sila para sa pagpasok

Nakikita nila ang Sitio Kilabot mula sa kanilang kinatatayuan, nagliliyab ang ilang kabahayan at nakikita nila na marami ang nagliliparang mga aswang sa buong Sitio at sa karatig Bayan ng Sitio

"Tara na," sabay hila ni Nena kay Yuri na nakatulala lang na nakatingin sa buong Sitio na nasusunog ang mga kabahayan

"Lola Maria," anas niya

"Ayos lang sila," at sabay sabay na silang pumasok sa loob mg lagusan, panay padin ang lingon ni Yuri at pakiramdam niya may masamang mangyayari sa kanyang Lola

Mabilis nilang tinahak ang lagusan, na hindi kagaya sa mga aswang na halos tatlong oras na nilalakad iyon

Dahil sa ordinaryo lang sila ay halos isang oras nilang nilakad ang kabuuan ng lagusan

"Diyos ko po!," bulalas nila ng matanaw ang kaharian na nasusunog na nasa itaas ng bundok nakapwesto

"Tara bilisan na natin,"yaya nina Kevin, akma na silang tatakbo ng maramdaman na hindi sumunod si Yuri sa kanila

"Mauna na kayo," taboy niya,"Babalikan ko si Lola Maria,"

"Pero..,"

"Tatawagin ko si Gudo," pumikit siya at tinawag si Gudo sa pamamagitan ng kanyang isipan

Na ng mga sandaling iyon ay nakikipaglaban sa mga aswang

Nang madinig niya ang tawag ni Yuri ay kaagad siyang naglaho, ilang sandali pa ay nasa harapan na siya ng dalagang ginagabayan

"Maaari mo ba silang isama sa kaharian nila Khael?,"tanong niya

"Ikaw?," takang tanong nito

"Babalikan ko si Lola," ani niya,"Babalik din ako kaagad,"sabay takbo papasok sa lagusan

"Tara na," yaya ni Gudo, kumapit sila sa kamay nito para sabay sabay na silang makaalis doon

Sa isng kisapmata ay nasa palasyo na sila nila Khael, nakipaglaban sila sa mga aswang na kanilang nabungaran

Nakita nila sa di kalayuan ang kaibigan nila, kaya kumaway nalang sila bago nagpatuloy sa pagpatay sa mga kaharap nilang aswang

**********

Sa paglabas ni Lola Maria sa bahay nila Nanay Alfie ay sumalubing kaagad sa kanya ang mga bangkay ng kababaryo nila

Mga aswang na nakatayo sa likuran ni Apollo na nakaharap sa kanya

Maraming aswang ang nakatingin sa kanya, halos maluha siya sa awa sa sinapit ng mga inosenting tao dahil sa kagagawan ni Apollo

May mga aswang din naman na napatay pero karamihan ay mga tao

"Walang makikialam!," sigaw ni Apollo sabay lipad papunta sa harapan niya,"Ngayon simulan na natun ang laabn, Lola Maria!,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now