Chapter 43

628 51 4
                                    

**********oo**********

Unang Gabi sa Baryo Dagit

Habang kumakain sila ng hapunan  ay tahimik lang sila at nakikiramdam lang sa paligid

"Pwede po bang magtanong?," tanong naman ni Sister Janelle

"Ano po iyon, Sister?," tanong namab ng asawa ng Kapitan na si Aleng Gina

"Bakit po may mga buho ang bawat paikot ng mga kabahayan?," takang tanong ni Sister Janelle,"Saka ang mga pintuan, bintana ay may mga harang?,"

Napapangiti nalang ang Kapitan sa tanong ni Sister Janelle, bago tumango tango si Aleng Gina

"Dahil sa mga aswang," tugon ni Aleng Gina,"Ang aswang na Mandaragit, panlaban sa kanila para hindi sila makapasok sa mga kabahayan para kumuha ng makakain ng kanilang pinuno,"

"Dahil din sa mga aswang na mandaragit ay doon ipinangalan ang aming Baryo," dagdag pa ni Kapitan Hernan habang humihigop ng kape na nasa harapan nito

Nakikinig lang sila habang nagpapatuloy sa pagkain ng hapunan

Napapatango nalang sila bilang pagtugon sa mga iyon

"Ano po ang itsura ng mga Mandaragit?," tanong pa ni Aira sa mga kausap

"Ang katawan niya ay kagaya sa tao," paliwanag ni Kapitan Hernan,"May malalaking pakpak kagaya ng sa paniki, napakalapag ng kanilang pakpak na kayang magtakip sa isang bubungan ng bahay, mga kamay na may matutulis na kuko, ang mga paa naman ay parang kagaya ng sa manok, na may matutulis na kuko na siyang ginagamit nila sa pandaragit ng mga biktima,"

"Minsan lang sila kumain sa isang taon,"singit naman ni Lucy na kanilang anak na babae,"Dahil isang beses lang sa isang taon kung gumising at kumain ang kanilang pinuno,"

"Ha? Bakit po ganoon?," takang tanong nila

"Hindi din namin alam," nagkibit balikat na sagot ni Lucy,"Bukas ng gabi ang ika isang taon ng kanilang pinuno, pero ngayon ay apat na araw iyon kakain at gising dahil s pagpula at pagbilog ng malaking buwan,"

"Tama si ate Lucy," pagsang ayon ni Manuel,"Hanggang sa huling gabi ng kabilugan ng pulang buwan siya manginginain, pero kapag ordinaryong araw lang ay isang gabi lang siya gising,"

"Paano po ang mga alagad niya?," tanong ni Yuri sa kanila

"Nambibiktima din sila pero hindi gaanong madami," sagot ni Aleng Gina sa kanya,"Hindi kagaya na kapag gising ang pinuno nila ay halos ubusin nila ang buong Baryo namin, maging sa mga karatig Baryo kung minsan,"

"Ano po ang itsura ng Mandaragit?,"tanong ni Kevin,"Iying sa ulo po at mukha niya,"

"May mahahaba at malalaking tainga," tugon ni Kapitan Hernan,"May malalaking mata kagaya ng s kwago at napakapula ng mga iyon, wala silang ilong, tanging butas lang na nakadikit sa kanilang mukha, doon sila nakakahinga, may malalaking bibig na halos umabot na sa magkabilaang tainga, at higit s lahat may maga matatalas at matutulis na ngipin,"

"May buntot din sila," dagdag ni Manuel,"Nakahubad at naglalangis ang kanilang buong katawan, pero hindi naman sila naglalgay ng langis, sadyang makintab at madulas lang ang kanilang mga katawan,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now