Chapter 08

640 51 2
                                    

**********oo**********

Sitio Banawag

Alas Otso ng Gabi at bilog ang buwan ng mga sandaling iyon

"Panahon na para kumain ng masarap na putahe!," sigaw ni Inang Banang sa mga kaharap na kalahing aswang

"Kapistahan na bukas," ani ng anak nitong babae,"Kaya kailangan natin maghanap ng maihahanda bukas at sa makalawa,"

"Sa Baryo Maliwanag," tugon pa ng isang anak ni Inang Banang,"Maraming tao ang nasa labas dahip may pinaglalamayan silang patay ngayon,"

"Magandang pagkakataon iyan," ani ni Inang Banang,"Uubusin natin ang lahat ng tao sa Baryo Maliwanag para wala ng manirahan doon! Magtatayo din tayo ng ating Sitio doon,"

"Maganda iyan, Inang Barang," segunda ng ikatlong anak na babae ng matandang aswang

Pero dahil sa kabilugan ng buwan at kapistahan kinabukasan, ay nasa batang kaanyuan ang matandang aswang at kanilamg pinuno

Napakaganda nito, may mahabang buhok na kasing itim ng gabi, may balingkinitang katawan

Maputi ang balat at may taas na kinaiinggitan noong kabataan nito

May mapupulang mga labi at higit sa lahat ay mga matang kulay abo o kagaya ng sa pusa

"Ngayong gabi ay magsasaya at magpapakabusog tayo sa laman at dugo ng tao!," sigaw nito bago inilabas ang langis na nasa bayong nitong dala

Nasa isang panig sila ng kanilang Sitio nagtitipon para masikatan ng maliwanag na buwan

"Ang matitira ay iuuwi natin at ihahanda sa mga bisitang darating bukas at sa makalawa!,"

"Mabuhay ang Inang Banang!,"sigawan ng mga aswang habang nakatingala sa maliwanag na buwan, handa na sila para sa pagbabagong anyo

"Lumapit kayo sa akin!," utos nito, nakapila naman na lumapit amg mga kalahi nito

Inilahad ang mga palad para sa langis na ibubuhos doon at ipapahid sa kani kanilang mga katawan

Handa na sila para manila ng mga tao, sumugod sa Baryo Maliwanag at patayin ang mga iyon

Nang makakuha na ang lahat ng langis ganoon din si Inang Banang ay sabay sabay nila iyon ipinahid sa hubad nilamg mga katawan

Walang malisya at walang paikalamanan ang bawat isa kung nakikita man nila ang kahubaran ng bawat isa lalo na ang mga kababaihan

Para sa mga lalaking aswang ay kalahi nila iyon at kaanak kaya bawal silang pagnasaan at titigan ng may malisya ang mga hubad na katawan ng mga kababaihan lalo na ang kanilang Inang Banang

Matapos maipahid sa buong katawan ang langis ay umungol silang lahat dahil sa unti unting pagbabago ng kaanyuan nila

Tumulis ang mga ordinaryong kuko nila sa mga kamay, namula ang mga matan na kanina lang ay kulay puti at itim

Tinubuan ng mga matutulis n ngipin at ang ilang ay nagkaroon ng pakpak sa likuran

May nag anyong aso na halos kasing laki ng bagong panganak na kalabaw o baka

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now