Chapter 46

621 59 9
                                    

**********oo**********

Kinagabihan,

Halos nasa kanya kanya ng pagtulog ang mga tao sa Baryo Dagit ng makadinig sila ng mga sigawan at iyakan

Alam nila mga kababaryo nila ang mga iyon

Batid din nila na pinipilit silang pasukin ng nga Mandaragit para makakuha ng pagkain

Napabalikwas naman ng bangon silang magkakaibigan dahil sa nagkakaingayan sa kapaligiran

"Nag uumpisa ng manguha ng makakain ang mga aswang," ani ni Lucy ng mapasukan sila sa silid nila at nakitang nakaupo na sila

"Wala man lang ba kayo gagawin?," tanong ni Nena sa dalagang kaharap na napailing nalang ng mlungkot

"Paano kung maubos kayo?," tanong pa ni Trina

"Handa na kami doon," tanging sagot lang nito,"Hanggang ganito nalang siguro ang buhay namin, ang magtago at magdasal,"

"Kung lalabanan niyo sila ay magiging payapa at tahimik na ang buhay niyo," ani ni Sister Janelle

"Walang may lakas ng loob sa amin lalo na ang mga kalalakihan na lumaban sa mga aswang na Mandaragit," may lungkot na saad nito sa kanila bago naupo

"Eh ano ang gagawin natin dito ngayon?," mataray na tanong ni Aira,"Uupo? Iiyak? Hihintayin ang kamatayan at maging hapunan?,"

"Lalaban kami kung ayaw niyo," ani pa ni Trina sabay kuha ng kanilang mga gamit sa mga dala nilang lagayan at bag

Nanlaki ang mga mata ni Lucy s nakita nitong hawak ng mga kaharap, kinuha na din nina Nena at Sister Janelle ang sarili nilang mga sandata

Napapailing na napapangiti nalang si Yuri sa inasal ng apat, habang bakita niya ang takot, pangamba at paghanga sa mukha ni Lucy

"Tara na," yaya nina Bryan na sumilip sa kanilang silid at ipinakita ang dala ng mga iyon

Nasa likuran nito sina Kevin at Manuel na nakahanda na din

Itinali naman niya si Khael sa kanyang bag at isinabit sa mataas na bahagi ng dingding para hindi ito makalabas

"Sayang wala siya," ani ni Kevin sabay tingin sa tutang tila gustong sumama,"Mas makakatulong sana natin siya dito,"

"Tama ka," pagsang ayon naman ni Bryan sabay haplos sa ulo ni Khael,"Pakabait ka Moon, babalik kami lalo na siya," sabay turo kay Yuri na naghahanda na din

Umungol na tila umiiyak iyon, iyak na nagmamakaawa na isama siya pero hinaplos lang ng dalawang binata ang ulo nito bago inayos ang pagkakatali nito sa bag na pinaglagyan ng dalaga

Nilingon lang siya ni Yuri bago tuluyang umalis sa silid na iyon, hindi naman makaalis mula sa pagkakatali si Khael kahit anong piglas nito at nakita nitong mataas ang pinagsabitan sa kanya ng dalaga, kaya napayuko nalang ito at umiyak ng tahimik

**********

Kahit na pinipigilan sila ng mga tao na nasa loob ng bahay ay hindi sila nagpa pigil mula sa mga pag awat ng mga iyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now