Chpater 07

619 48 1
                                    


**********oo**********

Alas Kwatro ng Umaga

Halos nagkukumahog silang pito dahil sa kalagayan ni Yuri

Mabilis na iyong pinapatakbo ni Bryan habang nakasunod ang mga aswang sa kanila

"Titigil din ang mga iyan," ani ni Nena,"Mag uumaga na din naman,"

"Malapit na ba tayo?," tanong ni Sister Janelle sa kanila

"Oo, papasok na tayo sa Sitio," sagot ni Bryan sa tiyahin ni Khael

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Sitio Kulintang

Mas binilisan pa ni Bryan ang pagpapatakbo sa jeep para makarating kaagad sila sa bahay nila Lola Maria

Kinakabahan na sila sa para sa kalagayan ng kaibigan nila

Nang makarating ay kaagad na ipinasok ni Bryan sa bakuran ang jeep, kaagad naman bumaba si Khael at binuhat ang walang malay na si Yuri habang kumakatok ang ilan sa mga kasama nila

"Lola Maria! Lola Maria!," ani nina Nena at Sister Janelle

"Sandali lang," ani ng tinig ng matanda sa kanila na kaagad naman nagmamadali na mapgbuksan sila ng pintuan

"Lola," sabay sabay nilang turan at kaagad na pumasok sa loob ng kabahayan, nakasunod naman si Khael na karga ang walang malay na si Yuri

"Anong nangyari sa apo ko?," may pagtatakang tanong nito sa kanila

"Kinagat po siya ng aswang na nakalaban namin, Lola,"paliwanag naman ni Nena sa matanda

"Bakit siya nakagat?," may pagtatakang tanong ni Lola Maria,"May panlaban siya sa mga aswang at mga laman lupa?,"

"Baka po hindi niya nasuot," ani nalang ni Sister Janelle

Kaagad naman sinilip ni Lola Maria ang loob ng damit ng apo niya kaya napailing nalang ito, hindi suot ni Yuri ang kwintas na binigay niya

Ang kwintas ng Saint Bennedict,

"Ilang beses ko na siy binilinan na wag iaalis sa katawan ang kwintas eh," napapakamot nalang sa ulo ang matanda,"Ang tigas talaga ng ulo niya, pangontra iyon sa mga aswang at proteksiyon niya para hindi siya malapitan o mahawakan ng mga iyon,"

Hindi na kumibo ang pito dahil hindi din nila alam kung ano ang isasagot sa kaharap nila

"Heto po ang nakuha namin, Lola," sabay bigay ni Kevin ng bunga ng niyog na nasa loob ng bag na dinasalan naman ni Lola Maria

"Heto po ang kalamansi, Lola," sabay abot naman ni Nena na kinuha mula sa bulsa ng suot na damit ni Yuri

"Si Yuri ang nakakuha nito?," tanong ni Lola Maria

"Opo," tugon ni Nena,"Siya po ang pinili ng mutya at si Khael naman po ang umakyat sa puno ng niyog,"

"Salamat mga apo," ani ng matanda bago inilagay ang mga iyon sa isang lagayan na walang sinuman ang maaaring makakuha maliban sa kanya at sa dalawang tao na nakakuha ng mga iyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now