Chapter 18

682 67 9
                                    


**********oo**********

Marami ang nagdadalamhati dahil sa mga nangyari ng nagdaang gabi

Sa pananalasa ng mga aswang sa ibat ibang lugar, sa mga karatig Sitio at Baryo

Halos manlumo ang mga namumuno sa bawat Sitio at Baryo dahil sa mga namatay

May ilan na talagang ibinuwis ang kanilang mga buhay para lang makapag ligtas

May ibang kabahayan na halos wasak dahil sa pinilit iyong pasukin ng mga aswang

Nagtulong tulong naman ang ilang mga kalalakihan para mailibing ang mga bangkay ng kanilang mga kababaryo sa tulong na din ng mga namumuno sa kanila

Inilagay nila ang lahat ng iyon sa isang malaking hukay, pinabendisyunan sa isang Pari at tinarakan ng apat na krus

Ganoon din ang ginawa ng Kapitan nila Khael at ng ilang mga kalalakihan, ibinaon sa isang hukay, pinabendisyunan sa Pari nila at nilagyan ng krus matapos matabunan ng lupa

Ang iba ay tinulungan na maayos at mapatibay ang ilang kabahayan para sa darating na gabi ay hindi sila mangangamba na pasukin ng mga hayok at gutom na aswang

Nag ipon na din sila ng mga pagkain, asin, bawang at kung ano ano pang panlaban saga aswang na kanilang alam

**********

Ala Una ng Hapon

Sakay ng isang tricycle ang maglola kasama si Ella na nagtungo sa bahay nila Nanay Alfie para doon mamalagi at gawin ang banal na lana

Agad naman nakita nila Aira at ng kapatid ni Ella ang kanilang pagdating habang ang iba ay nasa loob at abala sa pag aayos ng kung ano ano

"Kuya!," masiglang sigaw ni Ella, sabay takbo at yakap sa nakatatandang kapatid na pinanabikang makita

"Kapatid ko," sigaw nito habang niyayakap ang nakababatang kapatid ng buong higpit

"Lola Maria," ani ni Aira sabay mano sa matanda,"Kamusta, Yuri?,"

"Ayos lang naman," tugon niya,"Ikaw? Kayo kamusta dito?,"

"Hayun," sagot nito sabay ikinuwento ang mga nangyari noong umuwi sila at ang naramdaman nila ng gabing iyon

"Kami din eh," sagot niya,"Nandoon din si Apollo kasama ng mga aswang,"

"Pasok po muna tayo," yaya nito sa kanila kaya agad naman sila pumasok matapos makuha ang mga gamit nila sa loob ng tricycle na kanilang sinakyan

Tumulong na din sina Aira at ang kuya ni Ella para maipasok ang lahat ng dala nilang mga gamit

Nasa sala naman sina Nanay Alfie, Sister Janelle at Nena, nsa kwarto naman si Trina at binabantayan ang batang natutulog

"Lola Maria!," ani ng mga iyon sabay mano sa matanda

"Leigh," sabay yakap ng mahigpit ng dalawa sa dalagang kaibigan

Nagtawanan silang lahat sabay nagkamustahan, nilagay lang muna nila sa may gilid ang lahat ng dala nilang mga gamit

"Maaari bang dumito muna kami hanggang sa makabalik sina Khael galing sa lugar ng mga Manggar?," tanong ni Lola Maria sa mga iyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now