Chapter 62

554 61 2
                                    


**********oo**********

Isang araw at kalahati ang itinagal nila sa kanilang pag uwi sa Sitio Albana o Sitio Kilabot

Halos wala na silang pahinga kapag sasakay at baba na sila sa sasakyan

Kain at pagpunta lang sa banyo ang kanilang nagagawa, bihis at ayos sa sarili para lang makauwi sila kaagad sa bahay nila

Halos pagod na ang katawan nila sa kakaupo at sa tagal ng kanilang biyahe lalo na si Yuri dahil kagagaling pa lang niya nakakapagod na labanan ng lakas at ispiritwal sa mga Manggar

Magkatabi silang dalawa ni Khael sa upuan habang nasa likuran nila sina Reema at ang dalawa pa nitong kaibigan

Nakikuta naman nina Aira at Nena na nasa kabilang banda nakaupo ang masamang tingin nito kay Yuri

"Makapag selos akala mo siya ang nobya ni Khael," bulong ni Aira na masama tingin kina Reema,"Kung makatingin akala mo niloko ni Khael at ipinagpalit kay Yuri eh,"

"Hayaan muna siya," saway ni Nena,"Baka nagkagusto lang kaagad kay Khael, kaya ganyan siya kung makatingin,"

"Dapat tigilan na niya si Khael," inis na sambit nito,"Ngayong alam na nito na may kasintahan na si Khael na mahal na mahal niya, duda ako sa Reemang ito eh, hindi makapagkakatiwalaan,"

"Kahit kami din," ani ni Nena,"Halos lahat ng kaibigan natin duda sa totoong paky niya kung bakit siya naglalapit kay Khael at sumama pa sa atin,"

"Baka siya ang magiging ugat ng hiwalayan nila Yuri," malungkot na saad ni Aira,"Pero hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Khael, kung hindi lang din si Yuri ang makakatuluyan niya ay ms lalong wag nalang siya,"

"Tutulungan natin sila para hindi magtagumpay sina Reema na sirain ang relasyon nila ni Khael," ani ni Nena na ikinatango lang ni Aira, pero masama pa din ang tingin nito sa tatlo

Tahimik lang din na nakikinig at nakatingin sa magkasintahan sina Reema habang nagpupuyos ang dibdib sa galit at inis kay Yuri

"Relaks ka lang, Reema," ani ng katabi nito,"Baka makahalata sila sa totoong pakay natin,"

"Tam siya, Reema," segunda pa ng isa,"Baka masira lang ang lahat ng pinagplanuhan natin, saka mapapasayo din si Khael pagkatapos ng digmaan na magaganap.sa kaharian nila Apollo, ipapain natin siya doon,"

"Kaya pigilan mouna ang sarili mo," sabay akbay sa kaibigan nila

Bumugtong hininga nalang si Reema para maalis ang nararamdamang inis at galit sa dalagang katabi ang binatang matagal na niyang gusto

**********

Katanghaliang Tapat

Nasa labas ng bahay sina Lola Maria habang namimitas ng mga gulay na nasa likurang bahagi ng bahay nila Nanay Alfie ng biglang sumulpot si Gudo sa tabi nila

"Kamahalan, Mahal na Prinsesa at Lola Maria, may masamang balita po ako s inyo," bungad nito

"Gudo, aatakihin ako sayo sa puso eh," galit na sambit ni Lola Maria

"Pasensiya na po Lola," hinging paumanhin nito sa matanda

"Ano ang dala mong masamang balita?," tanong ni Lola Maria

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon