Chapter 72

565 67 5
                                    

A/N: So heto na po ang inaabangan natin, ang labanang Haring Karry at Haring Serafino, bakbakan na po

Sino ang mananalo sa kanilang dalawa?🤔🤔🤔🤔

Sino ang panig kay Haring Karry? Itaas ang 2 kamay🙌🙌🙌🙌

Sino ang panig kay Haring Serafino? Itaas ang isang kamay🙋🙋🙋🙋

So tara lets na po, umpisahan na po natin ang kwento✌✌✌👍👍👍


**********oo**********

Ramdam ng lahat ang pagkawala ni Lola Maria, malungkot at umiiyak sila habang nakikipaglaban sa mga aswang

Ang inaalala nila ay si Yuri at ang maaaring maging epekto nito sa kanya kapag nakita nitong patay na ang pinakamamagal na abuela

"Kailangan tayo ni Leigh," ani ni Sistet Janelle,"Kaya bilisan na natin para makauwi na tayo," malungkot nitong saad sa mga kasama

Tumango lang ang mga iyon habang nakikipagpatayan sa mga aswang na lahing Asbo, Bulik at Mambukay

Ang tatlong binata naman ay ang mga manananggal, tiktik at mga sigbin ang kalaban nila

Halos pagod na sila sa ilang oras nilang pakikipaglaban na halos walang katapusan ang pagdating ng mga aswang na kaanib ni Haring Serafino, imbes na nababawasan ay lalo lang iyong nadadagdagan

Kasama na din doon ang mga Manggar na limang daan ang dami na kadarating lang, kasama pa ang grupo nila Reema na kaanib din pala ng Haring Serafino

"Traydor na aswang," ani ni Aira,"Ngayon magtutuos na tayong dalawa,"

"Mapapatay na din kita," humahalakhak na sambit ni Reema,"Pagbabayaran mo ang ginawa mong paghambalos ng buntot ng pagi s akin,"

"Nararapat lang iyan sa mga kagaya mong aswang na ahas pa,"gigil na sagot ni Aira na ngumisi pa,"Kung di lang ako napigilan baka ipinaligo ko pa sayo ang isang timbang asin eh,"

Nakita ni Aira ang mga sugat sa katawan nita na hanggang ngayon ay sariwa pa din, hindi iyon kaagad agad mapapagaling ng sarilimg laway nito, inaabot iton ng taon bago tuluyang gumaling

At iyon ang mas ikinainis at ikinagalit pang lalo ni Reema kay Aira, kaya nagpalit kaagad ito ng kanyang anyo bilang isang malaking baboy na may apat na sungay

Nakalabas ang apat na malalaking pangil at ang nguso na may matalim na buhok

Kaagad iyong sumugod kay Aira na ng mga sandaling iyon ay handang handa na sa pagpatay at paglaban sa kinaiinisang aswang

Umilag mg umilag si Aira at kapag nagkakaroon ng pagkakataon ay tinataga niya iyon at hinahampas ng buntot ng pagi

Nakita naman iyon ng mga kaibigan niya kaya kumaway nalang siya at sinasabing ayos lang siya at hayaan silang dalawa na magtuos

Napatango nalang ang lahat kaya naging abala naman sila sa pakikipaglaban ng mga sandaling iyon, lalo na si Khael

Ang mga malalakas na aswang ang ipinangtapat sa kanya ni Haring Serafino, kasama ang kanyang inang Reyna at si Mhiya

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now