Chapter 12

644 51 4
                                    


**********oo**********

Sitio Kulintang

Pasado Alas Dose ng Hating Gabi

May mga nadidinig silang paikot ikot sa labas ng bahay habang inaapoy ng lagnat si Yuri

Halos maligo na siya sa pweis sa tindi ng init na nararamdaman

"Kumakalat na ang hawa at laway ng aswang," ani ni Lola Maria, habang tinitignan ang apo

"Ano po ang gagawin natin?," nag aalalang tanong naman ni Nena

"Ella, apo," tawag ni Lola Maria sa dalagita, na agad naman lumapit sa kinaroroonan nila

"Ano po iyon, Lola?," tanong nito

"Magpadingas ka sa lutuan," utos nito,"Goma, kamangyan at yung mga pinatuyong balat ng kalamansi na naipon natin,"

"Opo," na agad naman tumalima at umalis papunta sa lutuan

"Sasamahan ko na po si Ella," ani naman ni Nena na agad ng tumayo at sumunod sa dalagita

Naiwan nalang silang dalawa ni Sister Janelle habang binabantayan si Yuri na halos nangingitim na ang dalawang braso, mga paa paakyat sa tiyan

"Hindi makakaabot ang laway ng aswang sa puso at utak niya," ani ni Lola Maria,"Habang suot niya anh medalyon ng Saint Bennito,"

"Sana makauwi na sina Khael," dasal ni Sister Janelle,"Sana makuha nila ang lana sa matandang aswang ng ligtas,"

"Makakaya iyon ng Prinsipe, magtiwala lang tayo, Janelle," ani ni Lola Maria habang pinapahiran ng katas ng kalamansi ang mga sugat ng kanyang apo

"Malamang si Apollo na naman ang may pakana nito," bulalas ng Madre sa matanda,"Malaki ang pagkakagusto niya kay Leigh,"

Napapabugtong hininga nalang ang matanda dahil sa nalaman

Hindi na sioa nakapag usap pa dahil sa pareho silang napatingin sa pintuan at mga bintana na binabalya at pilit na binubuksan ng sinuman na nasa labas ng bahay at gustong makapasok sa loob

Ihihanda naman kaagad ni Sister Janelle ang buntot ng pagi at ilang mga panlaban sa aswang

"Ilagay natin ito sa mga bintana at pintuan," ani ni Lola Maria sabay abot ng mga sanga ng kalamansi na may mga tinik

"Opo," sabay mabilis na isinabit iyon sa pintuan at mga bintana, maging sa kusina ay naglagay din sila ng mabilisan bago bumalik s sala kung nasaan si Yuri

Nakatali ang mga paa at kamay ni Yuri dahil nagwawala na ito kahit na nakapikit, kahit naaawa ang matanda sa kanyang apo ay tiniis niya para hindi makalabas iyon ng bahay at makapambiktima ng tao

Inilagay naman nya ang isa pang buntot ng pagi sa katawan ng kanyang apo para hindi iyon makakilos ng mabilis

Maya maya pa ay umamoy na sa buong kabahayan ang pinapasunog niya sa dalagita

Bumalik na ang dalawa sa sala na may dalang isang takip ng lumang kaldero, may dingas iyon at nandoon ang mga pinapaamoy ng mga ito sa kusina

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu