Chapter 42

602 57 2
                                    

**********oo**********

Habang naglalakad sila sa kagubatan na iyon ay hindi matapos tapos ang kanilang kwentuhan at tawanan

Nakikinig lang ang tutang si Khael habang nakatingala at nakasid sa mukha ng nakakarga sa kanya na si Yuri, tahimik lang din itong nag iisip at kung minsa ay nakikita nitong gumagalaw ang mga labi ng dalaga na tila may inuusal

"Malayo pa ba tayo sa may ilog?," tanong naman ni Aira

"Malapit na din,"sagot ni Manuel,"Magtatanghalian na pala," ani nito,"Pahinga muna tayo at kumain bago maglakad," yaya sa kanilang lahat

Na sinang ayunan naman nila, kaya naghanap sila ng masisilungan at mapagpapahingahan habang kumakain ng pananghalian

Mula sa bag ni Manuel ay may inilabas siya doong pagkain, sa isa pang bag ay tubig naman ang laman niyon

"Tara kain na tayo," yaya nito sa kanila sabay abot sa kanila ng pagkain na nakabalot sa dahon ng saging,"Kami nila Nanay ang naghanda niyan para sa ating lahat, dahil alam nila na sasama ako sa inyo,"

"Salamat," ani ni Yuri sabay bukas ng isang balot at pinakain kay Khael,"Kain ka ng mabuti,"

"Ang gandang aso naman niyan," ani ni Manuel,"Bibihira akong makakita mg ganyan,"

"Alaga ko," sagot ni Yuri,"May sakit kaya mahina kumain,"

Napatango nalang si Manuel bago inasikaso si Nena na lalong namula ang magkabilaang pisngi dahil sa panunukso ng dalawang binata sa kanila

Napapangiti nalang sila para kay Nena na tahimik at parang hindi makabasag ng pinggan sa kahinhinan dahil kaharap ang binatang si Manuel na halata na malaki ang pagkakagusto sa kaibigan nila

Matapos ang masaya at masagana nilang pananghalian ay nagpahinga muna sila ng isang oras bago nagpatuloy sa kanilang paglalakad palabas ng kagubatan

Hindi naman mainit dahil sa mga puno na himaharang sa init ng araw sa kanilang dinadaanan

Tahimik lang silang lahat habang naglalakad papalabas ng kagubatan na iyon

**********

Pasado alas dos ng Hapon

"Iyon na ang ilog," sabi at sabay turo ni Manuel ng makalabas na sila, nasa di kalayuan ang malawak na ilog at may iilang bangka na nakatambay doon

"Hay salamat at nakalabas din tayo," ani ni Trina sabay hinga mg maluwag,"Nakakapagod maglakad ng halos kalahating araw,"

"Oo nga eh," pagsang ayon naman ni Aira,"Nakakaantok ang hangin sa loob at sarap matulog,"

Napatawa lang sila sa kanilang nadinig dahil humikab pa iyon at nag inat inat

"Kung pwede lang sana eh," ani ni Manuel,"Pero delikado tayo kapag naabutan tayo ng dilim dito, kaya bilisan na natin, dahil hanggang alas tres lang ang biyahe ng bangka," pag yayaya nito sa kanila

Kaya agad naman silang nagmadali sa paglalakad pababa sa gubat, nauna na si Manuel na tumakbo para makapag arkila na kaagad sila ng masasakyan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن